Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANO ANG TUNAY NA MOTIBO SA MAMASAPANO PROBE?

$
0
0

MAY bago nga ba sa ‘Mamasapano Probe’ at bakit gustong-gusto muling imbestigahan ang madugong ‘misencounter’ sa pagitan ng mga operatiba ng Special Action Force at ng mga grupo ng mga rebeldeng Muslim sa Mamasapano,Maguindanao noong January 25, 2015 at tila magtutuloy-tuloy na ang imbestigasyon.

Kamakailan, hiniling ni Senate Minority Leader Sen. Juan Ponce Enrile na muling imbestigastigahan ang madugong engkuwentro sa Mamasapano dahil may bago raw na “impormasyon” si Manong Johnny na nakuha kaugnay sa madugong sagupaan ng SAF at mga rebeldeng Muslim.

Ang tanong natin ay may bago nga ba talaga sa muling pagbubukas ng Mamasapano at kung mayroon man, ano ‘yun?

Sa nakaraang pagdinig na pinangunahan mismo ni Sen. Grace Poe ay nagkaroon na ng paunang linaw kung sino talaga ang dapat na managot sa nasabing engkuwentro na naiwasan sana kung nagkaroon ng maayos na koordinasyon sa battleground.

E, kung si Poe nga ay hindi pabor na muling buksan ang pag-iimbestiga sa Mamasapano dahil muli raw dadalirutin ang mga sugat na unti-unti nang naghihilum at kung bubuksan daw ay muling madarama ng mga kaanak ng mga biktima ang sakit ng mga ala-ala sa nasabing insidente na kumitil sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ano pa ba ang magagawa ng mga mambabatas dahil sa may bagong ‘impo’ na natanggap si Manong Johnny habang ang mama ay nakakulong kaya pinagbigyan na rin siya na muling buksan ang kaso at muling pigain ang mga taong nasangkot sa ‘misencounter.’

Heto ang matindi rito, ano ba talaga ang tunay na layunin ng mga taong nasa likod ng ilang nagsusulong sa muling pagbubukas ng Mamasapano? Ang panalangin natin ay sana ay hindi gamitin ang nasabing madugong trahedya ng mga mambabatas na epal para lang magmayabang o kaya ay benggahin ang gusto nilang benggahin o kaya ay gamitin ang mga taktika nila para maisulong lang ang kanilang pansariling interes, ‘di po ba?

Tiniyak naman ni Poe na siya ang tatayong ‘referee’ sa imbestigasyon na kanyang sinisigurado na hindi makalulusot ang sinomang gamitin ang Mamasapano Probe para lang magpa-pogi o magpa-sexy ang mga kumakandidato para sa eleksyon 2016.

Ang dalangin ng espasyong ito ay harinawang maayos ang imbestigasyon dahil nakahihiya na tayo, mga pare ko, na pati ang mga namatay na nananahimik na sa kabilang buhay ay ginagamit pa ng mga tarantadong kumakandidato sa eleksyon.

Anomang puna o reklamo ay i-text lang sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES