Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA POLITIKO AT PULIS SA MALAKIHANG DROGA

$
0
0

MARAMING tunay na kwento sa droga ang may kaugnayan sa mga politiko, opisyal ng pamahalaan at pulis.

Ito ang mga dumarating sa atin na sumbong laban sa mga opisyal na ito ng pamahalaan.

Simulan natin, mga Bro.

MAYOR, GOB, SENADOR

May isang pamilya na may miyembrong black sheep kung tawagin.

Ang pamilyang ito ay nakapagpundar ng mayor, gobernador at isang tumakbong senador.

Ang mayor ang blacksheep.

Alam ng mga magkakapatid na sangkot si mayor sa malakihang suplay ng droga sa kalahati ng lalawigan na kanilang pinaghaharian.

Minsan nang nadiskubre ng mga awtoridad ang malaking laboratoryo ng shabu sa kanilang lalawigan. Ngunit dahil sa maiimpluwensya nga ang mga magkakapatid, hindi nasangkot si mayor kaso kundi mga dayuhan na nadatnan sa lugar.

Walang makagagalaw sa kanila sa lalawigan dahil sa takot sa kanilang ng mga piskal at pulis, kasama na ang mga huwes sa mga hukuman.

Humina ang kanilang impluwensya sa nakaraang mga panahon pero sila’y nagbabalik sa halalang ito at kandidato ngayon sa pagka-gobernador ang isa sa magkakapatid na hindi sumasaway sa utol nilang mayor na isang malaking druglord.

Ang kumandidatong senador ay minsang naging untouchable na opisyal na kabeso-beso ng mga taga-Malakanyang.

LUMUTAN SA DAGAT

Ilang beses na nga bang may mga nagsusulputang kilo-kilong shabu sa ating mga karagatan?

Minsang nagsilutangan ang mga kilo-kilong shabu sa karagatan, alam ba ninyong pinagbibigyan ng tig-isang supot ang halos lahat ng mga chief-of-police ng mga munisipyo sa isang lalawigan?

Ito’y para tumahimik ang mga ito at huwag ikontak ng mga pulis sa mga nakatataas nila ang pangyayari.

Kinatatakutan ang pamilya ng mga ito na binubuo ng mga mayor, gobernador at kongresman. Takot ang mga mayor, ang mga pulis at iba pa sa pamilyang ito.

Ang Tuwid na Daan nga ay hindi sila ginagalaw sapagkat may kakayahan ang pamilyang ito na maniobrahin ang nasa 400 botante sa kanilang lalawigan.

Hindi mo basta malulusob ang lugar ng mga ito nang hindi ka gagamit ng libong puwersa militar.

DRUGBUSTERS

Ang mga drugbuster o tagadurog ng droga kung tawagin ay huwag sabihing sila’y nagpapakatotoo sa kanilang mga bansag na ganito.

Isang pamilyang drugbuster na binubuo rin ng mga mayor, gobernador at mas mataas pa ang may gawang taliwas sa kanilang bansag.

Sa mga ulat sa atin, kabilang ang mga ito sa mga may kagagawan ng minsa’y nagsilutangang kilo-kilong shabu sa ilang karagatan sa mahal kong Pinas.

May kaagaw ang mga ito na mga druglord din sa kanilang lalawigan.

Ang drugbusting pala ay nakatuon lang sa kanilang mga kalaban sa negosyong droga. Lumalabas na walang laboratoryo ng shabu sa kanilang lalawigan subalit tila galing sa barko ang kanilang epektos.

Ang lalawigan ngayon ng pamilyang ito ay puno ng patayan at kung titingnan mo ang rekord ng mga nagpapatayan, droga ang pangunahing dahilan.

Magtataka ka nga lang kung bakit ibinoboto pa rin sila ng taumbayan na mag-okupa ng matataas na posisyon sa gobyerno.

DRUGBUSTER PA RIN

Sa isang malaking lungsod sa Luzon matataguan ang isang pamilyang kingmaker o nagpapanalo ng mga kandidatong kongresman at mayor.

May compound ang pamilyang ito na kinakailangan ang malaking puwersa ng militar at pulis upang mapasok dahil napakalalakas ang mga armas ng mga tauhan nito.

Yumuyuko sa pamilyang ito ang mga pulis na naa-assign sa kanilang lugar bilang mga hepe.

Minsang may hepe na galing sa isang lungsod sa Metro Manila at naging hepe ito sa nasabing lungsod.

Kung sinosolo ni kernel ang hanapbuhay sa mga iligal na sugal sa Metro Manila noon, ginawa naman siyang drugbuster sa nasabing lungsod sa lalawigan. Pero ang mga kalabang druglord sa lungsod at ilang bahagi ng lalawigan ang misyon nito mula sa kingmaker.

Matapos ang stint ni kernel sa lungsod, napasok ito bilang intelligence chief sa PNP provincial command at ipinagpatuloy nito ang hanapbuhay sa droga at nakagpatatakang na-promote ito bilang opisyal ng regional PNP.

VISAYAS-LUZON

May mga druglord na taga-lalawigan sa Luzon ang pumunta sa Kabisayaan at naging pasimuno rin ng mga kilo-kilong shabu mula sa karagatan.

Sa Kabisayaan na pinagmulan ng isang Chief Justice ng Korte Suprema nagkampo ang druglord at nagagawa nitong ibiyahe ang mga kilo-kilong shabu sa Luzon.

Mabango ang druglord sa pulisya sa Kabisayaan pero bad shot ito sa sarili niyang lalawigan o sa mga kalaban nitong druglord. Pero tuloy ang biyahe ng shabu na ibinibiyahe sa ‘di malamang paraan.

Basta milyonaryo o bilyonaryo ang turing sa druglord dahil napagpundar ito ng mga malalaking vessel na pangisda na siyang kargador ng mga shabu mula sa karagatan.

TUWID NA DAAN

Wala pang nagagawa ang Tuwid na Daan laban sa mga ito at kung meron man, kakaunti lang.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Broken Heart Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>