Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA REELEKSYONISTANG MAMBABATAS IBASURA

$
0
0

NAGTAPOS at nagsara na ang Kongreso ng Senado at Kamara. Yes, may mga naipasa nga sila pero hindi mapapakinabangan ng taumbayan. Sadyang pabor lang sa mga politiko ang inasikaso at batas na ngayon.

Yaong mahalaga katulad ng Freedom of Information bill at Anti-Dynasty bill ay sadyang pinatay nila dahil kontra iyon sa kanilang mga makasariling interes. Pulitika ang kanilang negosyo, ganun kasimple kasi.

May naipasa nga na makatutulong sa mga senior citizen, ang dagdag sana sa pension ng SSS. Pero ano ang ginawa ng rehimeng Aquino? PINATAY KAAGAD!

Kandidato pa lamang si Benigno Da Terd Aquino, siniguro niya na unang batas niya ay ang mga panukalang batas na FOI at Anti-Dynasty. Nang makaupo na bilang HOCUC-PCOS lider, nagka-amnesya na!

Kakulangan daw kasi ng korum o sapat na bilang ng mga mambabatas sa dalawang kapulungan. Punyeta, mula noon hanggang ngayon, parehong dahilan? Basta kontra sa kanilang interes, pinapatay sadya. Iyan ang totoo!

MGA RE-ELEKSYONISTA HUWAG IBOTO!

O kaya naman, kung may bagong administrasyon, ipasara ang Kongreso at isagawa ang pagbabago ng ating 1987 Cory Constitution. Puro kasi ngitngit, galit at sarado ang utak ng mga nagtitik sa Saligang Batas ni Cory, eh.

Sana, tayong mga botante ay mag-isip na nang tama. Huwag magpadala sa iilang supot ng grocery items, bigas at pera. Mantakin natin na kapag naibalik ang “magagastos” ng politikong iyan, tatlo hanggang anim na taon nila tayong babawian at pahihirapan sa buhay.

Sana ay magpasya na kayo ng tama na iboboto sa darating na eleksiyon. Huwag magpadala sa bentahan ng boto, zarzuela, teatro at magpadala sa gimik gamit ang mga artista at mga sirkero. May kekembot ba?

Sabi nga ni DZBB Kuyang MIKE ENRIQUEZ at ng GMA-7, DAPAT TAMA ang mga iuupo natin ngayon sa Palasyo at Kongreso gayundin sa ating mga lokal na pamahalaan.

Ang pabalikin natin ang mga dati ay mangangahulugan na handa kayong muling gaguhin, tarantaduhin, pagnakawan nang lantaran at ibaon tayong mamamayan sa malaking halaga ng pagkakautang. Mabuti sana kung napapakinabangan natin ang trilyong piso na inutang ng REHIMENG AQUINO, hindi eh!

Pagkakataon na natin na paghigantihan ang mga pabaya, sakim, korap at mga tiwaling opisyal ng rehimen ni Da Terd. Lahat ng kaalyado niyang politiko, huwag iboto.

IBASURA ANG MGA RE-LeKSYONISTANG MAMBABATAS NI AQUINO! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>