Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DIGONG DUTERTE SIMPLENG TAO

$
0
0

SA lahat ng kandidato sa pagka-Pangulo sa darating na May 9, 2016 national and local elections ay tanging si Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte lamang ang napakasimpleng tao at direktang magsalita.

Bukod sa pagiging simple ay hindi rin makikitaan ng kaplastikan itong si Digong dahil kung ano ang gusto nitong gawin at kung ano ang kanyang nasa isip ay sinasabi nito sa kanyang mga kausap at kaharap.

Ang katulad ni Digong ang isa sa mga lider na matagal na ring hinahanap sa Pilipinas dahil mayroon itong “political will” at wala itong sinisino na kapag nagkasala sa batas ay nararapat lamang na parusahan.

Matagal na rin tayong naghahanap ng lider na magbibigay sa atin ng kapayapaan sa isipan at mangyayari lamang ito kung wala na tayong makikitang gumagalang kriminal sa kalsada at maging ang mga magnanakaw sa gobyerno ay nais na rin nating maglaho.

Ang mga kriminal at politikong magnanakaw na ito ang mga dahilan kung bakit palagi na lamang tayong naiiwan sa South East Asia at hanggang ngayon ay kulelat tayo pagdating sa ekonomiya habang angat naman pagdating sa katiwalian.

Kung ang katulad ni Duterte ang mamumuno sa ating bansa, posibleng mawala na ang mga kriminal at politikong magnanakaw sa ating lipunan dahil tiyak na ipakukulong ito ng butihing alkalde ng Davao.

Isa ang Davao City sa pinakatahimik na lungsod hindi lamang sa South East Asia kundi maging sa buong mundo kaya marami ang nagsasabi na si Duterte ang magiging susi upang umangat naman ang tingin sa atin ng ibang bansa.

Mahigpit ding ipinaiiral sa Davao ang batas kaya sumusunod ang mga residente at dayuhan, bukod pa sa iginagalang nila ang kanilang alkalde na ilang dekada na ring nagsisilbi sa kanila.

Maging ang batas trapiko ay mahigpit ding ipinatutupad sa lungsod at ang sinomang lalabag dito ay tiyak na maparurusahan ayon sa kanilang paglabag.

Angat na angat din ang ekonomya ng Davao City dahil maraming negosyante ang nagpupundar dito ng kanilang negosyo dahil na rin sa pagiging tahimik ng lungsod at nakatitiyak din ang mga ito na walang gumagalang kriminal sa paligid.

Sakaling magawa ito ng sinomang mamumuno sa buong bansa ay tiyak na aasenso ang Pilipinas at hindi na rin tayo mangangamba sa ating buhay at ng ating mga kaanak dahil tahimik na ang paligid.

Si Digong ang nakikita kong makalulutas sa suliranin ng ating lipunan at sana ay sama-sama natin siyang suportahan upang mabigyan naman ng pagbabago ang pagpapatakbo sa ating bansa na matagal na ring naghahanap ng matinong pinuno. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>