Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DRAINAGE PROJECTS SA MARIKINA

$
0
0

MAGANDA talaga ang tambalan ng “Tatlong Ulo” sa Marikina.

Ito’y ang tambalan nina Mayor Del R. de Guzman, Vice Mayor Fabian Cadiz at Rep. Miro Quimbo.

Kahit pa ilang bilyon ang pondo na hindi nakalap dahil sa discount sa amelyar ay marami pa ring naipatayo na mga gusali, napaayos na kalye, napagawang drainage, at marami pang ibang proyekto.

Ngayong taon ay maraming drainage improvement projects pa rin ang nakalinya sa mga gagawing proyekto ng City Engineering Office ng Marikina na pinangungunahan ni Engr. Kennedy Sueño.

Kasama ang Department of Public Works and Highways, halos buong Marikina ang sakop ng kabila-kabilang drainage improvement projects para mapaghandaan ang darating na tag-ulan.

Ayon kay Sueño, sa long-term solution na ito, ang mga drainage sa lungsod ay kailangang i-upgrade.

“Dahil hindi na kayang tanggapin ng ating mga daluyan ang volume ng tubig na pumapasok sa ating siyudad, kailangang gawin ang mga ganitong hakbang. Bago pa sumapit ang tag-ulan, dapat ay nakahanda na tayo,” wika niya.

Ang mga drainage improvement ay ginagawa sa mga barangay ng Nangka, Concepcion Uno, Concepcion Dos, San Roque, Malanday, at iba pang mga lugar sa lungsod. Kasalukuyan ding ina-upgrade ang mga lumang drainage system.

“Ang dating drainage system, kung saan isang panig lang ng kalsada ang may daluyan, ay nilalagyan na rin natin ng dagdag na daluyan sa kabilang panig. Kasabay na rin nito ang pagsasaayos ng mga bangketa,” dagdag pa ni Sueño.

Sa kabilang dako, ang DPWH naman ang namamahala sa Balanti Creek Rehabilitation sa pamamagitan ng pagsasaayos ng riprap at kalapit na drainage system ng nasabing daluyan.

Pinasimulan ni 2nd District Congressman Miro Quimbo ang nasabing proyekto upang maibsan ang madalas na pagbaha sa mga lugar ng Barangay Concepcion Dos na kalapit ng creek.

Maliban sa tubig na nagmumula sa mga kabahayan, negosyo, at mga industriya sa Marikina, pumasok din sa lungsod ang tubig mula sa mga katabing na bayan tulad ng Antipolo, San Mateo at iba pang bayan sa Rizal.

Pinaghahandaan din ng DPWH ang gagawing Katipunan Retarding Pond, isang temporary water catch basin sa Bgy. Concepcion Dos.

Sa retarding pond na ito maaaring mamalagi ang tubig na rumaragasa mula sa mga kabundukan ng Antipolo na dumaraan sa Balanti Creek bago ito dumaloy sa ilog ng Marikina at lumabas sa Manila Bay o Laguna de Bay.

Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy ang pagtatanggal ng City Engineering Office sa mga bara sa iba pang daluyan ng tubig gamit ang dalawang sewer (Vacall) trucks at mga manual rodding machine ng lungsod. ABISO/PAUL EDWARD SISON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>