Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NUDE PHOTO NG RAPE VICTIM SA HOTEL 99 GINAWA

$
0
0

KAMAKAILAN lang, mga pare ko, inaresto ng tropa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek sa rape na si Ricardo Arquero, Jr.

Nabuking ang gagong ito makaraan nitong i-post sa Facebook ang hubo’t hubad na larawan ng ginahasa nitong babae sa Hotel 99 sa Cubao, Quezon City.

Patong-patong ang kaso na isasampa sa kumag na ito ng NBI-Anti-Organized Crime Division sa pangunguna ni Atty. Aristotle Adolfo, supervising agent, makarang magtungo sa NBI Headquarters ang biktimang pinangalanan lang ng alyas Jane.

Mantakin ninyo, nakilala lamang ni alyas Jane ang ulol na suspek sa Facebook (FB) at hinikayat siya na mag-aplay bilang internet staff sa Alaska U.S.A ng manyakol na suspek (ang galling ng kolokoy noh!).

Dahil sa direct hiring (kuno), aba’y nanghihingi ng P49,000 ang suspek sa babae bilang processing fee at ngangakong tatanggap daw itong si babae ng P40,000 na sahod kada buwan.

Nakipagkita ang biktima sa suspek sa Hotel 99 noong December 30, 2015 upang doon ay pag-usapan ang kanyang aplikasyon pero ng nagbigay muna ng P12,000 ang biktima bilang paunang bayad.

Ang masakit rito, ay puwersahang pinainom ng tablet ang biktima na naging dahilan ng pagkahilo nito. Dito na siya pinagsamantalahan ng gagong suspek.

Gayunman, inilihim ng biktima sa pamilya nito na ginahasa siya. Ang matindi pa sa gagong suspek ay tinatakot niya ang biktima na kapag hindi siya nagpadala ng P6,000 sa Cebuana Lhuillier ay ipo-post niya ang sex video at larawan ng biktima na nakahubo’t hubad.

Ano ba ang pumasok sa utak ng gagong suspek na ito na puwersahan na nga niyang niluray ang pagkababae ng biktima ay siya pang may ganang manakot sa una?

Anim na kasong rape ngayon ang hinaharap ng tarantado kahit sinasabi nitong kusang bumigay ang babae.

Ano kaya ang masasabi ng Hotel 99 sa ganitong uri ng kahalayan na nangyari sa loob nito?

oOo
Anomang puna o reklamo ay i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>