Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PROBLEMA SA DROGA MALALA KAHIT SAAN

$
0
0

BIBIGYANG-DAAN muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga tambak na text message at mga nag-email ng kanilang mga komento, reklampo at hinaing ukol sa kanilang mga employer, lugar at maging sa ating gobyerno, at tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa kanilang kahilingan at proteksyon.

Kung anoman ang mailathala ng pahayagang REMATE, iyon po ang mga nakasaad sa kanilang messages at email sa Lily’s Files column natin.

MAGANDANG araw, Lily’s Files. Sa may Recto po ay lantaran ang bentahan ng mga pipe sa paghitit ng marijuana, may mga naka-drawing pang dahon ng marijuana. Ligal na po ba ang marijuana? ‘Di po ba ito considered na droga? Parang walang police sa Recto sa may hilera ng Cartimar at kung may pulis man, eh, nambibiktima naman ng mga estudyante sa gabi. Tataniman nila ng marijuana ang mga kawawang estudyante, tatakutin tapos kukuwartahan. Maraming salamat po. Concerned citizen. 935-8-1-8
-.
LF…Tama po kayo considered drug po ang marijuana at tungkol naman po sa sinasabi ninyong walang pulis at kung mayroon man ay nangongotong ang mga ito sa mga estudyante ay atin po itong ipaaalam sa pamunuan ng Manila Police District at NCRPO. Salamat po.

GOOD day, Ma’am Lily, dapat po ay walang politiko, wala naman pong nangyayari, eh. Naghihirap pa rin kami, marami ang pulubi at walang bahay, marami ang hindi nakag-aral at walang trabaho samantalang sila’y nagpapakapal ng pera sa higaan. Kayong mga politiko, wala nang ginawa kundi magpa-cute. Marami pong salamat po. 0932-3-3-5-.

MAGANDANG araw, Lily’s Files. Bakit po ba hindi matigil ang droga rito sa ating bansa gayong kilo-kilong shabu naman ang nakukuha ng mga pulis? Opinyon ko lang po ito, hindi kaya mga tawas na lang ang sinusunog ng PDEA para masabi lang na sinunog nila ang mga ebidensiya? Maraming salamat po at more power sa Lily’s Files Column. 0918-8-2-6-.

GOOD am po. Sana po matulungan n’yo kaming maiparating sa pamunuan ng Manila Police District ang talamak na bentahan ng droga rito sa nasasakupan ng Station 7, Manila. Mga bigtime pusher po ang mga nandito. Kahit nakikita po ng mga pulis na nag-aabutan ng droga sa kalsada ay parang walang nakikita ang mga pulis?

Ipinagmamalaki po ng mga pusher sa may Manuguit na kahit daw po ang gawin naming reklamo ay hindi sila kayang hulihin dahil nakatimbre raw sila sa mga pulis-Maynila. Sana po ay maiparating ninyo sa itaas ang problema namin sa droga sa aming lugar na sakop ng station 7 ng MPD. Salamat po. 0927-3-5-7-. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>