Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PRESIDENTIABLES 3

$
0
0

NAKUPO! Hindi na pala pwede ang ginawa natin na paghahati sa pagtalakay sa mga Presidentiable na pangunahing kandidato sa darating na eleksyong Mayo 2016.

Dahil anim sila, hinati ko sa dalawahan dahil kulang din naman ang ating espasyo.

Anyway, bago pa man yumao ang kaibigan natin na si OFW Party-List Congressman ROY SEÑERES, nagpadala na siya ng sugo sa COMELEC para bawiin ang kanyang kandidatura.

Nagtataka lang tayo sa Comelec na para bang malaking problema ang pagkawala ni Cong. SEÑERES. Alisin na lang ninyo!

Noong si Cong. ROY pa ang ambassador natin sa United Arab Emirates (UAE) at mainit ang isyu kay Ms. Sarah Balabagan na napatay ang kanyang amo dahil tinagka siyang gahasain, tayo ang madalas niyang binibigyan ng blow by blow report hanggang sa magtagumpay siya na mailigtas sa kamatayan si Sarah at mapauwi sa bansa.

Kaya, walang magagawa, si VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY na lang.
Bugbog sarado na si Nognog gawa ng mga senador na sina Antonio Trillanes IV, Senador Koko Pimentel at Alan Peter Cayetano.

Sinampahan ng mga senador ng kasong mataas na uri ng plunder o pagnanakaw ng salapi ng bayan. At anomang oras ay ilalabas na rin daw ni Manang Conchita Carpio-Morales ang kanyang hatol bilang hepe ng Ombudsman kay VP Binay.

Nakatutuwa lang na noong huling imbestigasyon ng Blue Ribbon Sub Committee na naroon na si Senate Minority Leade JUAN PONCE ENRILE.

Nang tanungin ng huli sina Mercado at Atty. Ronaldo Bondal bilang mga saksi at nagsampa ng kasong plunder, sabi ni BONDAL, wala siyang hawak na ebidensiya kundi galing lamang lahat sa sipi ng diyaryo, balita sa radio at telebisyon?

Ito naman si dating Binay Vice Mayor MERCADO, inamin niya sa komite na nagalit lang siya kay BINAY dahil hindi tumupad sa usapan nila na pagtapos ng termino ni VP JOJO, siya naman ang tatakbong alkalde? Eh, ‘di masama lang pala ang loob ni mokong Mercado?

Inamin din ni Mercado sa komite na malaki rin ang tinanggap niya sa mga suhulan mula sa iba’t ibang proyekto ng pamahalan ng Lungsod ng Makati, dahil ba siya ang state witness ay hindi na siya pwedeng kasuhan at bawian ng mga inamin niyang lagay sa kanya habang nakapuwesto?

Kung batay sa naganap ng imbestigasyon at batay sa mga sinabi ng mga saksi, hindi tiyak tatanggapin ng HUKUMAN ang mga pinagsasabi lalo na ‘yung kay Bondal.

Maski batang elementarya ay hindi sasang-ayon sa komite na kasuhan si VP BINAY batay sa kwento at mga labas na istorya ng mass media!

Isa lang ang nakikita natin sa isyu kay VP BINAY. PULITIKAL, WALA NANG IBA! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>