Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ISYU NG KALUSUGAN

$
0
0

KAKAYANIN umano ng kalusugan ng limang tatakbong Pangulo ang hirap ng pangangampanya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pero kung totoong maayos ang kalusugan nilang lahat, may mga nagtataka kung bakit sina Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas, Vice President Jejomar Binay at Senator Grace Poe lamang ang handang isapubliko ang kanilang medical records.

Iginagalang natin ang pagtanggi nina Senator Miriam Defensor-Santiago at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ilantad ang kanilang medical records.

Bukod sa karapatan nila ito, walang probisyon sa Konstitusyon ang nagsasabing kailangang ideklara ng kandidato ang katayuan ng kalusugan.

Ganunpaman, ang pagtanggi nila ay lumikha ng pagdududa sa tunay na kalagayan ng kanilang kalusugan.

Maalaalang nagkaroon si Santiago ng mild stroke noong 2005. Dahil sa hypertension at hindi normal na tibok ng puso ay nag-leave siya sa Senado noong 2006. Muli siyang nag-leave noong 2013 dahil sa chronic fatigue syndrome.

Umamin si Santiago noong Hunyo 2014 na mayroon siyang stage four na kanser sa baga. Pero inanunsyo niya noong 2015 na tinalo niya ang kanser at hindi nagtagal ay nagdeklarang tatakbo sa pagka-Pangulo.

Si Duterte ay natsismis na may kanser sa lalamunan bago siya magdeklara ng kandidatura sa pagka-Pangulo pero itinanggi niya ito.

Tumigil daw si Duterte sa paninigarilyo at ito ang naging daan para makontrol niya ang isang sakit na nakaaapekto sa sirkulasyon ng dugo.

May isang sakit pa siya na bunga naman ng labis na pag-inom.

Matapos ideklara ni Santiago at Senador Bongbong Marcos ang kanilang tambalan noong Pebrero 9 sa Batac, Ilocos Norte, si Bongbong na lang ang nakitang nangangampanya.

Si Duterte naman ay may speaking engagement sa Ortigas na hindi niya nasipot bunga umano ng matinding migraine.

Umiwas pa siya sa media at pinasabi na umuwi na siya sa Davao. Pero ang totoo ay nasa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan siya nagpagamot.

Dahil sa mga kaganapang ito ay lalong nagduda ang marami sa kalusugan nina Santiago at Duterte.

Bagaman hindi requirement ang medical records sa mga kumakandidato, alalahanin sana nila na ang pagtakbo sa anomang puwesto sa gobyerno ay wala ring pinagkaiba sa aplikante sa trabaho.

Dapat alam ng mga mamamayan ang katayuan ng kalusugan ng nagnanais maglingkod sa bayan.

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>