Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAPAMILYA NETWORK MAGING PATAS NAMAN

$
0
0

NABALITA nitong mga nakaraang linggo ang diumano’y pag-boycott ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa isang sikat na TV network dahil sa “biased reporting.”

Masyado raw pinalalaki ng “family” network ang maliliit na isyung panloob sa INC at ginagawa itong balita. Laging binibigyan ng airtime sina Menorca, Samson, Manalo-Hemedez at iba pang tiwalag na miyembro ng simbahan.

Nilinaw ng INC na hindi sila nag-utos ng boycott, pero hindi raw nila mapipigilan ang mga miyembrong maglabas ng hinaing nila gamit ang social media.

Dapat bang maging defensive ang INC dahil sa boycott? Hindi dapat. Isa itong pribadong organisasyong pangrelihiyon. May sarili silang mga alituntunin at pananagutan sa mga kasapi. Mag-utos man o hindi ng boycott ang INC laban sa tv network ay sarili nila itong desisyon at hindi dapat husgahan.

Ang mas importanteng tanong ay: Biased nga ba talaga ang istasyon ng “pamilya”? Tingnan nga natin ang mga pangyayari.

Una. Sina Menorca, atbp. ay makailang ulit na puwersahang ipinipilit na makapasok sa INC compound sa Tandang Sora, na laging kasama ang crew ng istasyon at may katuwang pang mga ex-military.

May karapatan ba silang papasukin? Siyempre wala. Tiwalag na sila, hindi na miyembro ng simbahan. Nagsampa pa sila ng mga kaso laban sa liderato ng INC.

Hibang na lang ang aasang sasalubungin pa sila ng bukas-loob at bibigyan ng red carpet welcome sa INC compound. Pero ibinalita pa rin ng istasyon ang hindi raw pagpapapasok sa mga natiwalag na pilit gumagawa ng eksena.

Pangalawa. Ang istasyon ng “pamilya” ay madalas nakakukuha ng “exclusive” sa presscon ng mga tiwalag, at naibabalita kahit ang pinakamaliit na hinaing at galaw nila bilang pambansang balita.

Iniulat ang planong pagsampa ng kaso ni Menorca laban sa mga pulis na tumutupad lang sa tungkuling i-serve ang warrant of arrest na galing sa korte. Pero nanahimik ang istasyon noong ibinasura ng DOJ ang mga reklamong kriminal na hinain nila Menorca at Samson laban sa INC dahil sa kawalan ng basehan at ebidensya. Hindi ba’t parang pamimili ito ng ibabalita? Kayo na ang humusga, mga suki.

Hindi siyempre sasabihin ng istasyon na tumutulong sila sa “demolition job” at planadong paninirang ginagawa nina Menorca, atbp. at ng kanilang mga financier.

Sana nga lang ay maging patas naman ang pagtrato ng istasyong ito sa pagbabalita. Bigyan dapat ng pagkakataon ang magkabilang kampo, hindi lang puro isa lang ang kinikilingan. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>