Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PANALO ANG BAYAN KAY WIN GATCHALIAN

$
0
0

MALINAW ang gustong mensaheng ipabatid ni Valenzuela City Cong. Win Gatchalian sa mga Filipino.

Gusto niyang pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad at pagpapatibay ng edukasyon sa bansa na kung saan ang lahat ng mahihirap nating kababayan ang siyang magiging unang mabibiyayaan nito.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa halos 60,000 ang naging iskolar ni Win sa iba’t ibang kolehiyo sa bansa at iyan ang gusto niyang palawakin pa dahil naniniwala ang dating alkalde ng Valenzuela, na siyang nagsimula nang pagpapaunlad ng naturang lungsod, na ang edukasyon ang mabisang sandata para ang isang mahirap na kabataan ay makaangat sa buhay.

Kitang-kita sa determinasyon ni Win ang pagbubukas ng daan para sa mga kabataan na siyang dapat tutukan at pagtuunang pansin ng pamahalaaan.

Gusto ni Gatchalian na malibre ang lahat ng mga kabataan sa lahat ng State University sa bansa dahil isa ito sa nakikita niyang solusyon para magkaroon ng oportunidad ang mga kabataan na nasa mahihirap na pamilya.

Sa Free Higher Education Bill na inakda ni Kuya Win, P10-bilyon lamang ang initial na pondong ilaan dito ng gobyerno upang masimulan ang libreng tuition sa mga mag-aaral ng state universities sa bansa.

Hangad din ni Win na maragdagan pa ang state universities sa bansa dahil ito ang tumutugon sa abot-kayang edukasyon para sa mga maliliit niyang kababayan.

Kitang-kita sa ginawa nito sa Valenzuela City kung gaano nila pinaunlad ang sistema ng edukasyon sa siyudad at diyan kilala ang lungsod sa ngayon.

Sa Valenzuela, halos lahat ng proyektong pang-edukasyon ay sinagot ng pamahalaang lokal magmula sa sangkatutak na gusaling pang-silid aralan hanggang sa mga gamit sa eskwela.

Pinalakas din ni Win ang Nanay-Teacher program na kung saan iningganyo nito ang mga magulang na tutukan ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Malinaw na may agenda itong si Gatchalian sa Kongreso at iyan ang dapat nating tulungan dahil sawang-sawa na ang tao sa mga politikong pulpol na walang ginawa sa bayan kung hindi ang magpayaman at gahasain ang kaban ng bayan. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>