Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MARAMING GALIT

$
0
0

WALA pang isang taon bilang station commander ng Masambong Police Station ng Quezon City Police District itong si Supt. Christian dela Cruz subalit marami na sa kanyang tauhan ang hindi pabor sa kanyang pamamalakad sa opisina.

Sabi ng kanyang mga tauhan, grabe raw sa usaping “cash-unduan” ang “mamang pulis” na ito.

Maraming sugalan sa kanyang nasasakupan ang kalat na kalat dahil hindi niya binibigyan-pansin ang perwisyo sa mga kabataan na akala ng mga magulang ay nasa paaralan.

Mahalaga umano kay Dela Cruz, ayon sa kanyang tao, ang kita linggo-linggo mula sa mga nagbibigay ng parating dahil sa iligal na gawain.
Asar na rin sa nasabing station commander ang chairmen ng barangay na kanyang nasasagasaan.

Paano, hindi maayos ang peace and order ng barangay dahil nga sa mga sugal na ipinatatanim sa ilang lugar na ang chairman ay kontra.

Bukod pa ito sa maraming dayong magnanakaw ang umiikot sa iba’t ibang lugar na duda ng mga nasabing opisyal ng barangay ay pakawala ng isang opisyal.

Naiparating na ng mga chairman ng barangay ang kanilang hinaing laban kay dela Cruz sa tanggapan ni QC District 1 Rep. Reynaldo Calalay at hinihintay na lang ang reaksyon ng mambabatas.

Tila ayaw ng chairmen na magreklamo sa tanggapan ni Mayor Herbert Bautista dahil ipinagyayabang umano ni Dela Cruz na malakas siya kina Mayor at QCPD district director C/Supt. Edgardo Tinio kaya siya nga ang napiling “Best Station Commander of the Year” gayung 4 na buwan pa lang siyang station commander nang ibigay ang parangal.

Sa pag-iikot sa QC, nabatid na maraming kapwa station commander ni Dela Cruz ang asar at galit sa nasabing opisyal dahil sa umano’y pagiging mayabang nito.

Wala raw magaling sa opisyal ng Masambong Police kundi ang kanyang sarili. Pero batid ng station commanders ang gawain ni Dela Cruz. Gawi na nito ang mangyapak ng kapwa opisyal makuha lang ang puwestong gusto niya.

Bantay-sarado nga ba ni Gen. Tinio itong si Dela Cruz? Malamang! Kasi kung hindi, dapat ay matagal na itong sibak. Kawawa naman si Gen. Tinio. Masisira ang kanyang ngalan at liderato dahil sa pagkunsinti kay Dela Cruz. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>