Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

K+12 UNCONSTITUTIONAL – KON. ALI ATIENZA

$
0
0

MALAPIT na naman ang pagsasara ng klase at magsisimula na rin ang enrollment para sa susunod na pasukan, pero tila yata nakalilimutan na ng mga kinauukulan ang matinding panawagan na huwag nang ituloy pa ang K-12 program dahil lalo lang itong magpapahirap sa mga mag-aaral, magulang at maging sa mga guro.

Marami nang hinaing ang lumabas mula sa iba’t ibang sektor at isa na rito ang nagkakaisang magulang, guro at mag-aaral ng Manila Science High School.

Bago pa man sumiklab ang hinaing ng nakararami ay una na itong tinutulan ni Manila 5th District Councilor Ali Atienza at sa katunayan ay tinayuan pa niya ito sa City Council upang maipaliwanag ang hindi magandang epekto, resulta at mangyayari kapag ipinagpatuloy ang K-12 program.

Naniniwala itong si Ali na unconstitutional ang repormang ito sa edukasyon, na ayon pa rito ay malaking panahon ang mawawala sa mga kabataan kapag ipinagpatuloy ang K-12 program na ito.

Sa bagay nga naman dahil ang isang Grade 10 student ay mawawalan ng oportunidad na dumiretso ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa mahabang panahon sa high school.

Marami ang naniniwala na hindi basehan ang mahabang panahon ng pag-aaral ng isang estudyante sa pamamagitan ng pagdaragdag ng dalawang taon sa senior high school, sa halip ang kailangang ipatupad ay ang quality education sa pamamagitan ng mas pinalawak at makabagong mga subject, matalino at makabuluhang pagtuturo, mga aktwal na pagsasanay, maayos na gusali ng paaralan at epektibong mga guro na may mahusay na benepisyo.

Sabi nga nitong si Ali, ang mga kabataan ngayon ay higit na matatalino at madaling maka-adopt ng mga bagong kaalaman, ang kailangan lang aniya ay ang advanced o makabagong pamamaraan ng pagtuturo na kayang matutunan sa loob ng apat na taon.

Marami nang panawagan ang isinagawa ngunit hindi ito umubra. Sana nga lang ay dinggin naman ng korte ang panawagan ng nakararami at maging malawak din sana ang kaisipan at desisyon nila sa sitwasyon ng mga guro, magulang at mag-aaral.

Kung ‘yung 10-taon sa elementary at high school ay hirap na hirap nang itaguyod ng mga magulang na sapat lang sa kanilang pang-araw-araw ang kinikita, eh, ‘di lalo na silang mahihirapan kung daragdagan pa ng 2 taon.

Sa bagay, hindi alam at mararamdaman ng mga kinauukulan ang hirap ng mga magulang sa pagtataguyod at pagpapaaral sa kanilang mga anak dahil sagana sa pera ang mga ‘yan. Eh, paano naman si Juan dela Cruz?

***
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestyon at komento, mag-text lang po sa 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>