KALIWA’T KANAN pa rin ang operasyon ng bookies ng Small Town Lottery (STL) ni Caloy sa isang mataas na bahagi ng lalawigan ng Laguna, ang bayan ng Pakil, subalit hindi pa rin kumikilos si Pakil Mayor Vipops Martinez.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin daw na namamayagpag ang bookies ni alyas Caloy pero dinededma lang daw ito ni mayor, maging ang kapulisan ng nasabing bayan.
Walang ginagawa si Laguna Provincial Director Supt. Ronnie Montejo para ipahuli o ipatibag ang matagal nang namamayagpag na “bookies emperor” ni Caloy sa Pakil, Laguna.
Maging ang bookies ng STL ni Edwin Ramos alyas ER na halos isang dekada nang nag-ooperate sa mga bayan gaya ng Los Baños at Bay na lantaran ang ginagawang operasyon.
Walang ginagawang aksyon sina Bay Mayor Bruno Ramos at Los Baños Mayor Ceasar Perez kundi ang tumunganga lamang araw-araw at tila baga naghihintay ng ‘tongpats’ sa gambling operator na si alyas ER.
MGA VK SA KAHARIAN NI GOV. JONVIC
Sa Imus, Cavite naman ay hindi mabuwag-buwag ang mga video-karera (VK) nitong si Kap. Fred kahit na kinawiwilihan ng mga menor-de-edad.
Patuloy lang ang operasyon nito.
Ang matindi pa rito, mismo ang mga barangay official ay dinededma lang ang nagkalat na mga vk sa kani-kanilang mga nasasakupang barangay.
O, ano ang ginagawa ni Cavite Gov. Jonvic Remulla, na in-eye ka pa naman ni VP Binay na kapag siya ang manalong President ay gagawin kang DILG secretary.
Eh, ‘yun ngang lugar mo lang ay hindi mo pa maayos. Hehehe.
oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
