Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA HUWAD

$
0
0

AKALA mo kung sino ang mga malilinis na tumutuka kay 8-belt world champion Cong. MANNY PACQUIAO matapos gamitin hango sa Bibliya ang salitang “…masahol pa sa hayop…” patungkol sa same-sex marriage.

Umayos nga kayo. Lahat na lang marumi, pangit, hindi makatao at kung ano pa ang inyong mga reaksyon laban kay Pacquiao. Hindi ko siya kaibigan, kakilala ng personal o nakadaupang-palad man lamang sapul nang makilala siya sa mundo.

Pero dalawang beses ko siya noon na-interview noong nasa Radyo ng Bayan pa tayo. ‘Yung una at pangalawang panalo niya. Sumikat, nakilala, hayun pinagkaguluhan na. Mas matindi pa, dahil sa sobrang bait ni Manny, todo-balato siya sa mga dumadalo sa kanyang selebrasyon hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa America.

Dahil mag-eeleksyon na, pati mga politiko ay nakisawsaw sa isyu ng kasalan ng parehong kasarian. Walang masama kung payag kayo sa ganyang katayuan pero matuto naman kayong gumalang sa mga hindi sang-ayon sa same-sex marriage.

Eh, ano ngayon kung mawala ang mga sponsorship niya katulad ng NIKE? Pera-pera lang, negosyo ng Nike ang pagkuha ng kanilang mga modelo para ibenta ang kanilang produkto. Sa totoo lang, hindi lamang si Manny Pacquiao ang lugi sa ibinibigay na talent fee ng NIKE at mga kauri nito sa kanilang product endorsers.

Kung makahusga kayo akala ninyo ay ang lilinis ninyo bilang mga kritiko. Humarap nga kayo sa salamin para makilala ninyo ang inyong mga sarili! Masahol pa kayo sa mga tigreng gutom. Natutuwa kayo na natutumba ang inyong kapwa?

Tandaan natin lahat na si Manny Pacquiao ay hindi nakatapos ng elementarya. Halos patay-gutom siya noon na maituturing at wala sa sinoman ang kumikilala sa kanya noon. Nagsumikap sa tindi ng hirap hanggang magtagumpay.

Eh, kayong mga kritiko niya, ano na ba ang nagawa ninyong mabuti sa inyong kapwa, sa ating bansa, lalo na sa mga kapus-palad? Pinagtatawanan ninyo siya noong dumudugo ang ilong niya sa kai-Ingles tuwing matatapos ang laban pero ngayon, ano kayo?

Oo may mga daplis pa rin ang kanyang Ingles pero halos tama na at maliwanag na nauunawaan. Tanggap siya ng mga banyaga sa kanyang pagbabago sa buhay.

Tayong mga Filipino, HUWAD sa katauhan!

Ang ibaon sa inyong mga utak, si MANNY PACQUIAO ay elementarya lang ang natapos. Nagsunog ng kilay at ngayon ay KONGRESISTA, posible pang maging SENADOR! Bobo? Eh, kayo? Mga HUWAD! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>