Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ROBREDO AT MARCOS, MAKABAGONG CORY AQUINO AT FERDIE MARCOS

$
0
0

SINASABING si Administration Vice Presidential Candidate Rep. Leni Robredo ang isinusulong na makabagong Cory Aquino samantalang si Vice Presidential Candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos naman ang inilalarawan na bagong Ferdinand E. Marcos.

Sina Marcos at Aquino ay parehong naging Pangulo ng Pilipinas at naging mahigpit na magkalaban sa pulitika hanggang sa sumapit ang EDSA People Power Revolution.

Sa ika-30 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ay matindi ang sagutan ng dalawang vice-presidentiables na sina Robredo ng Liberal Party at Bongbong Marcos.

Sinasabi ni Robredo na dapat lang na humingi ng tawad ang Vice Presidential aspirant na si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos sa atraso ng mga Marcos sa sambayanang Filipino.

Tugon naman ni Marcos, mga propesor na lang ng kasaysayan ang siyang dapat magsabi kung dapat humingi ng tawad ang mga Marcos.

Kung kikilatisin natin ang sitwasyon ay tila mabigat ang pakikipagtalastasan ni Robredo kay Marcos sa kadahilanang katulad ni dating Pangulong Marcos, si Bongbong ay idinadawit din sa katiwalian.

Kamakailan lang ay naisama si Bongbong sa listahan ni whistleblower Benhur Luy na sangkot sa pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles.

Ang mga foundation na Masaganang Ani para sa Magsasaka Foundation, Inc. at Social Development Program for Farmers’ Foundation na pagmamay-ari ni Napoles ang siyang pinagdaluyan diumano ng mga kickback ni Sen. Bongbong mula sa kanyang pork barrel. Like father like son, ‘ika nga o ‘di kaya’y like parents like son.

Si Robredo naman ay sinasabing ang bagong Cory Aquino, walang bahid ng katiwalian, makamahirap, at maybahay ng isang bayani na si yumaong dating DILG Sec. Jesse Robredo. ‘Yung nga lang ay salat ito sa karanasan dahil first term lang sa Congress at wala pang napatutunayan.

Kung titingnan sina Robredo na manok ng administrasyon ay sinusulong na bagong Cory Aquino habang si Marcos ay isinasalarawan na bagong Ferdinand Marcos.

Ngayong selebrasyon ng EDSA Revolution ay nagpapaalala ito sa atin ng ating nakaraan, si Pangulong Aquino ay sumisimbolo sa EDSA People Power.

Ang tanong ngayon ay handa ba ang bansa sa bagong Cory Aquino o Ferdinand Marcos na isa sa mga namuno ng ating bansa?

Hanggang saan kaya hahantong ang labanang Marcos at Robredo at sino kaya sa kanila ang papalarin bilang Pangalawang Pangulo ng bansa?

oOo
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestyon at komento, mag-text lang po sa 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>