Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WALANG RESIBO SA BOTO? MAGHANDA-HANDA NA TAYO!

$
0
0

TODO-TANGGOL ng sarili ang Commission on Elections sa hindi magandang balita mula sa isang survey ng Pulse Asia.

‘Yun bang === 48 porsyento lang sa 100-milyong Pinoy ang naniniwalang magiging malinis ang halalang Mayo 9, 2016.

Malaki rin ang bilang ng mga hindi naniniwala na malinis ang halalan sa bilang na 39%.

COMELEC UMAMIN

Sabi ng mga taga-Comelec, tanggap nilang matagal nang walang katiwa-tiwala ang mga mamamayan sa kanila.

Umaamin silang hindi basta mabubura ang mantsa na kumulapol sa Comelec sa mga nagdaang panahon ng halalan.

Sa rami ba naman kasi ng mga ‘Hello, Garci’ at ulat ng mga bilihan ng mga boto mismo mula sa mga lokal na Comelec hanggang sa Comelec Central Office.

Iba pa ang mga suspetsang maniobrahan sa mga kasong disqualification ng mga kandidato na karaniwang pumapabor sa mga batang Malakanyang o batang Kongreso o batang Supreme Court.

COMELEC GINAMIT

Nagkaroon din ng malaswang larawan ang Comelec sa kaso ni Aling Gloria noong gustong lumabas ito ng bansa para magpagamot ng sakit nito sa buto at leeg.

Ang Comelec ang ginamit ng Malakanyang upang mapigilan si Aling Gloria na lumabas ng bansa sa pamamagitan ng inihabol na kaso sa pandaraya sa halalan.

Magdamag na nagmiting ang mga Comelec commissioner at kinaumagahan, naglabas sila ng desisyon na “guilty” si Aling Glroia sa dayaan sa halalan laban kay FPJ sa bisa ng ‘Hello, Garci’ at iba pang mga anyo ng dayaaan.

Doon na nag-isyu ang isang hukuman sa Pasay ng hold departure order laban kay Aling Gloria.

Napakalaki rin ang naging problema noon sa Precinct Count Optical Scan na pinaniwalaang ginamit sa pandaraya upang manalo si PNoy laban naman kay ex-President ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.

Sa ganitong kalagayan, anak ng tokwa, sino ba naman ang basta maniniwala sa Comelec na ito’y isang anghel sa harap ng mga demonyo sa pulitika?

NAGSUSUMIKAP

Ayon sa mga taga-Comelec, pagsisikapan nilang ibangon ang kanilang marungis na dangal sa mata ng mga mamamayan ngayong halalan.

Sabi nila, pagsusumikapan nilang manatili na bukas sa mata ng mga mamamayan sa anomang usapin ngayon.

Titiyakin umano nilang magiging maayos ang mga makina na gamit sa botohan at handa rin silang managot o “accountable” sa anomang aberya o pandaraya sa halalan.

Ang totoo, ilang buwan nang ito ang sinasabi ng Comelec. Pero nang nagsarbey ang Pusle Asia, masama pa rin ang resulta.

Ibig-sabihin, hindi lang nakaugalian o kultura ng ma Pinoy ang hindi basta pagtitiwala sa Comelec ang nagaganap.

Sa halip, may nabuo na talagang paniniwala ang mga mamamayan na nababatay sa mga pangyayari gaya ng nauna nating nabanggit na kasaysayan at kinasasangkutan ng mga taga-Comelec.

Pero bilang pagbibigay natin ng partida sa Comelec, hayaan natin silang gawin ang kanilang trabaho, lalo na ang pangako nilang magiging malinis at walang halong pandaraya ngayon sa halalan.

WALANG RESIBO

Sa kabila ng pagbibigay natin ng partida, may malaking usapin, mga Bro, ukol sa mga vote-counting machine.

Hindi maglalabas ang mga ito ng resibo ng ibinoto ng mga botante. Kung noong nakaraang mga halalan ay walang source code ang mga PCOS kaya walang magiging batayan ng datos ng pandaraya, tila mauulit ito sa kawalan ng resibo mula sa mga vote-counting machine.

Sa resibo lalabas ang ngalan ng mga kandidatong ibinoto ng botante. Kung walang resibo, walang nakaaalam kung iluluwal ng mga VCM ang mga tunay na ibinoto ng mga tao sa canvassing.

Kung magkakaroon lang ng resibo, may batayan ang mga mamamayan na pag-aralan kung tama ang inilalabas ng mga VCM na resulta ng halalan.

Dahil nga walang resibo, mga Bro, sino ang may sabing malinis at walang daya sa halalan?

Kung walang resibo, lalabas na hindi lang nilalabag ng Comelec ang batas sa electronic voting na nagsasabing dapat may resibo.

Mismong ang karapatan ng mga mamayan na bumoto ng gusto nilang maluklok sa mga posisyon sa gobyerno ang nilalabag.

Ngayon, mga Bro, sino ang maniniwala sa sinasabi ng Comelec na magiging malinis at walang dayaan sa halalang Mayor 9, 2016 nang walang resibo?

KASO VS COMELEC

Ang pagkakaalam natin, may nagsampa na ng kaso sa hukuman upang puwersahin ang Comelec na paganahin ang mga VCM na maglabas ng resibo.

Pero matigas ang Comelec sa pagsasabing hindi na kailangan ito at pairalin na lang ang pagtitiwala?

Kung gagamitan naman ng resibo ang pagboto, parang lalong gugulo ang sitwasyon sa Comelec na naghahabol na umano ng oras para kabuuang preparasyon sa halalan.

Anak ng tipaklong, magmulat-mulat na tayo ng mata nang walang pikitan mula ngayon hanggang sa matapos ang halalan 2016.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES