Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MASAHOL PA SA MARTIAL LAW

$
0
0

HINDI tayo Marcos loyalist, katunayan isa rin tayo sa napakaraming kabataan noon na palaging nakikilahok sa mga rally kontra sa noo’y tinaguriang diktador na si Ferdinand Marcos.

Ang mga isyu na palaging isinisigaw noon ay ukol sa kahirapan, kawalang ayuda ng gobyerno sa sektor ng edukasyon, pangungulimbat, pagpaslang ng mga pulis at military sa mga sibilyan, atbp.

Dahil sa murang edad at utak na niluto ng mga kilos-protesta, naniwala tayo noon, parekoy, na kung maaalis na ang martial law, lalo na kung mapalayas si Marcos sa Malacañang ay giginhawa na ang buhay ng mga Pinoy.

Mapag-aaral na nang libre ang mga kabataan, magiging abot-kaya na nating mahihirap ang pagpapagamot sa mga mahal natin sa buhay na magkakasakit, mahihinto na ang korapsyon, magiging hayag na sa taumbayan ang mga transaksyon sa gobyerno, matitigil na ang pamamaslang sa sibilyan ng mga pulis at militar at mawawala na nang lubusan ang mga paglabag sa mga karapatang-pantao.

King ina parekoy, mali ako . . . maling-mali!

Pwe! Ilan na nga ba ang naging Pangulo ng Pinas simula nang mapalayas si Marcos? Cory Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo at itong panginoon ni Mar Roxas na si PNoy.

Ahhh, palpak lahat ang mga hinayupak! Lahat ng mga binitiwang pangako ay walang natupad, katunayan, mas masahol pa ang naganap sa administrasyon nilang lima kumpara sa “martial law.”

Hindi ba’t sa panahon ni Cory naganap ang “Mendiola Massacre” kung saan napakaraming magsasakang demonstrador ang pinagpapatay ng mga pulis na tuta ni Cory?

Hindi ba’t dito sa pamahalaan ni PNoy nabunyag ang pinakamalaking sindikato ng mga taong-gobyerno na nakipagsabwatan kay Janet Napoles sa pangungulimbat sa kaha ng pamahalaan?

Tapos ngayon, ayan na naman ang mga matatamis na pananalita ng mga hijo de putang politiko na kesyo pagagandahin ang ating buhay! Tangna!

Paulit-ulit pa mandin na ipinaaalala sa atin na huwag na umanong babalikan ang pait ng “martial law.”

Tangna ninyong lahat, kung naging makatotohanan sana kayo sa pamumuno ay hindi na lugmok sa kahirapan ang mga kauri naming dugyot! Letse!
Sana tuluyan nang pandidirihan naming mga maralitang Pinoy ang anino man lang ng “martial law.”

Sa totoo lang, parekoy, ang pinakamasakit na bahagi ay yaong ipinaghehele tayo ng mga hinayupak sa himig ng “demokrasya at kalayaan.”

Pero ang ipinadedede sa atin ay ang pinakamalapot na latak ng “martial law.”

Mga plastic! Kingna ninyo! BURDADO/JUN BRIONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>