Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MARCOS LALONG LUMALAKAS SA PANINIRA NI PNOY

$
0
0

BULOK at hindi na kakagatin ng sambayanang FILIPINO ang mga talumpating ginawa ni Pang. Noynoy Aquino sa ika-30 taong anibersaryo ng EDSA People Power 1 na ang tema ay wasakin si Sen. Bongbong Marcos at ang amang si Pres. Ferdinand Marcos.

Aba’y sa halip na mawasak ay lalo lamang pinalakas ni Pang. Aquino si Bongbong dahil lalong dumami ang nagsimpatyang taumbayan at dumami naman ang nagalit sa walang kabuhay-buhay na paninira ni Pang. Noynoy kay Bongbong.

Biruin ninyo, habang inuupakan ni PNoy si Bongbong sa araw ng selebrasyon na halos 30 dekada na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagmo-move-on ang bansa at patuloy pa rin na nilalason ang isipan ng taumbayan na masamang presidente si Marcos. E siya, mabuti kaya siyang Presidente? (Tanong ninyo na lang ke Onyok). He..he.he..he.

Pagsamahin na natin ang administrasyon ng mag-ina, ‘di ba, ‘di hamak na mas maganda ang pamumuhay ng taumbayan noon kaysa ngayon dahil sa mas lumalala as in ‘grabe’ kasi mas lalong dumarami ang mga naghihikahos sa kanilang pamumuno. (‘Di ba?)

Sa corruption,’di ba mas lalong lumala ang kaliwa’t kanang pangungurakot sa ilalim ng Aquino administrasyon bukod pa sa ubod ng taas ng presyo ng mga bilihin at ang sweldo naman ng mga manggagawa ay nakapako sa mababa at ‘yung trapiko na (simple lang lutasin) ay lalong nagkakabuhol-buhol.

Baba-taas ang singil sa kuryente at tubig pati ‘yung upa sa bahay ay napakataas na rin. Maging ang matrikula ng mga estudyante ay pataas nang pataas taon-taon kaya marami ang hindi nakatutuntong sa kolehiyo.

Hindi pa kasama diyan, ‘yung lalong lumaganap na mga prostitusyon, iligal na sugal, droga at ang higit sa lahat ay lalong dumami ang mga ‘kotong cop.’

Ngayon ninyo ikumpara ang PILIPINAS noong panahon ni Marcos: ‘Di ba ‘di hamak na milya-milya ang layo ng pamumuhay noon kaysa ngayon? (‘Di ba, Onyok?)

Sa totoo lang, ginamit lang ni PNoy ang People Power 1 noong nakaraang Huwebes sa pamumulitika dahil ang dalawang walang kabuhay na buhay na pambatong kandidato niya na sina Mar Roxas at Leni Robredo ay naroroon din sa nasabing pagdiriwang.

Tingnan ninyo nabawasan na ang mga talagang bayani ng People Power 1 na sina Sen. Johnny Enrile at Sen. Gringo Honasan?

Natatakot lang ang Aquino administrasyon sa patuloy na paglakas ng kandidatura ni Bongbong dahil “waiting for President sa 2022” si Bongbong. (Iboboto ko ‘yan). He..he..he..he.

***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 98266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES