Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CRONY POLITICS: SAKIT NI MARCOS, SAKIT NI MARLENI

$
0
0

NAGING bukambibig na ni Pangulong Aquino at ng Liberal Party na kailangan itakwil ang kandidatura ni Bongbong Marcos dahil kinulimbat ng kanyang pamilya ang bilyon-bilyong pera ng bayan at ito mismo ang ginagamit ngayon upang pondohan ang kanyang ambisyon sa pulitika.

Ngunit mukhang nakalilimutan o kinakalimutan na ang isa sa mga dahilan kung paano ito nagawa ng diktaduryang Marcos: ang Crony Politics. Ito ang pagkasangkapan sa iilan nilang mga pinagkakatiwalaan upang patuloy na gamitin ang pera ng gobyerno upang sila ay yumaman at para hablutin mula sa kontrol ng mamamayan ang resulta ng bawat halalan.

Samakatuwid, hindi lang mga Marcos ang guilty sa gawaing ito. Isang larawan na kumalat sa social media ang nagpapakitang guilty rin ang LP sa kasalanan na ito: si Mar Roxas, si Leni Robredo at si Eliza Antonino, naka-seatbelt sa isa lamang sa walong eroplanong pag-aari ng kaibigang matalik ni Roxas – ang mining magnate na si Eric Gutierrez.

Kung ang dating staff ni Roxas na si Antonino ay binigyan ng pwesto sa SSS Board – malamang ay hindi ito regalo, kundi bilang gantimpala – kahit walang background sa pananalapi. Hindi ba crony ang tawag sa kanya? Kung ang matalik na kaibigan ni Roxas at business partner ni Caloocan Rep. Egay Erice na si Gutierrez ay pinayagang bumili ng walong jetplanes na walang sapat na buwis na binayaran, hindi ba crony ang tawag sa kanya?

Hindi maibigay ang SSS pension hike sa senior citizens at mga retiree, pero ang sweldong halos 6-million kada taon mula sa SSS para sa dating alalay ni Roxas, pwede? Hindi mapagbigyan ng LP ang mga manggagawa, sa pribado man o sa gobyerno, ng mas mababang income tax pero ang isang bilyonaryong kaibigan, pwede?

‘Di ba yan ang kinababadtripan natin noong panahon ni Macoy?

Na iilan lang ang nakikinabang at hindi ang nakararami? KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES