Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LIGTAS NGA BA TAYO ‘PAG NAGKASUNOG SA BERMUDA

$
0
0

KAMAKAILAN lang, mga pare koy, nilamon ng apoy ang ilang bahagi ng mga kwarto ng Bermuda Hotel sa Sultan St., Bgy. Highway Hills, Mandaluyong City at tinatayang nasa kalahating-milyong piso ang halaga ng natupok

Ang balita ko, nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng gusali ng hotel dakong 10:47 ng umaga at itinaaas ang unang alarma sa alas-10:50 ng umaga pero lumaki pa ang sunog sa 2nd alarm at naideklara lang na fire-under control sa alas-11:30 ng umaga.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection ng Mandaluyong City, ang bahagi ng station 3 ng hotel ang pinuntiryang tupukin ng apoy.

Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng pamunuan ng hotel kung ano ang pinagmulan ng sunog kaya patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang pinagmulan nito at kung magkano ang halaga ng mga natupok.

Ang tanong lang ng publiko ay kung ano talaga ang tunay na pinagmulan ng sunog at bakit hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng Bermuda Hotel sa naging kaganapan sa sunog mula at bakit sa ikatlong palapag ng gusali ng hotel nagsimula ang sunog?

Nakatatakot yata na maranasan ng isang kostumer na magcheck-in sa hotel na hindi niya namamalayang nasusunog na pala ang ilang bahagi ng palapag ng nasabing hotel.

Ano kaya ang kasiguruhan ng mga kababayan natin na naka-check-in sa hotel na ‘yan para maililigtas sila ng mahinahon lalo’t sa 3rd floor nagsimula ang sunog?

Aba’y, pare ko, hindi yata biro-biro ang 3rd floor. Kung tutuusin ay napakataas na nito para sa akin at puproblemahin ko pa kung paano ako na makakababa nang mabilis para makaligtas ako sa lumalagablab na apoy sa buong kahotelan. E paano kung nasa kasagsagan ako ng tulog, aber?

Bakit pa ako magche-chek-in sa hotel na ‘yan kung wala rin lang akong kasigurahan na maililigtas ako?!? Har-har-har!

PASADA SAIS TRENTA SA DZMM, PASADO SA MASA

Siyanga pala, ugalihin nga pala ninyo ang makinig at manood sa tambalang Vic Lim at Karen Davila sa PASADA SAIS TRENTA sa teleradyo sa talapihitan ng 630 ng DZMM.

Bubusugin ang mga tenga at utak ninyo ng mga kaalaman na may kinalalaman sa mga pangyayari sa ating bayan ng tambalang Vic at Karen. Ibang klase ang mag-partner na ito sa lahat ng mga komentarista sa radio at telebisyon dahil sa kanilang programa ay kakapulutan mo ito ng magagandang opinyon at mga komento. Vic at Karen, mabuhay kayo sa inyong good team work!!!

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>