Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

OKADA-BAGATSING CONNECTION?

$
0
0

MARAMING taga-Maynila ang nakapapansin sa pagbuhos ng political ads ni Cong. Amado Bagatsing sa broadcast media at maging sa mga diaryo para ianunsyo ang pagtakbo niya bilang alkalde ng lungsod sa darating na halalan.

Sa rami ng political ads ni Bagatsing ay hindi maiwasang magtanong ng mga taga-Maynila kung saan siya kumukuha ng pera.

Naalala tuloy bigla ng mga taga-Maynila at ilang matalas na political analyst na si Bagatsing bilang Chairman ng Committee on Games and Amusement sa Kongreso – ay maraming hinawakang imbestigasyon patungkol sa operasyon ng mga pasugalan at mga casino sa ating bansa.

At isa sa mga imbestigasyong iyon ay tungkol sa isyu na kinasasangkutan ni Japenese businessman at kilalang Pachinko King na si Kazuo Okada, ang may-ari ng Tiger Resorts Leisure and Entertainment.

Sa mga hindi nakaaalam, inakusahan si Okada na nagbigay ng bribe money sa mga taga-Pagcor na umaabot sa 15-milyong dolyar para maitayo ang kanyang casino kahit depektibo at sablay ang ilang mga dokumento nito.

Sa mga pagdinig na isinagawa noong 2012 ay kapansin-pansin ang tila pagkiling ni Bagatsing kay Okada mismo nang ideklara niya na tila hindi kapani-paniwala ang mga bintang laban sa negosyante.

Sa isa sa mga hearing ay lumitaw na tinanggap ng isang dating opisyal ng Pagcor na kinilalang si Rodolfo Soriano ang sinasabing bribe money noong 2010 mula sa Universal Entertainment, na isang kumpanya na pag-aari ni Okada sa Japan at ipinadala sa pamamagitan ng money transfer.

Pero sa kabila ng mga ebidensyang nakalap ay marami ang nagulat nang sabihin ng kongresista na hindi kapani-paniwala ang mga bintang laban kay Okada, dahil imposible raw itong magbigay ng milyon-milyong dolyar na tongpats sa isang taong alam niyang walang maitutulong sa kanyang negosyo.

Kung ganoon, sino kaya ang inayos ni Okada na may kakayahang tumulong sa kanya? Ilang taga-Maynila tuloy ang napaiisip na kaya maraming proyekto raw ang Kabaka ay dahil sa may “mapagkawanggawang negosyante” na nagpopondo dito.

Nagtatanong ang mga taga-Maynila dahil natatakot sila na baka isang araw ay magising sila na pugad na ng mga pasugalan ang lungsod.

Sa ngayon ay nagdarasal ang mga taga-Maynila na sana naman daw ay ang totoong hangaring makapaglingkod ang dahilan kaya tumatakbo si Bagatsing bilang mayor at hindi siya nagagamit lang ng ilang mga kahina-hinalang grupo at personalidad. Abangan! OPEN LINE/BOBBY RICOHERMOSO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>