Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BALIKBAYAN NAWALAN NG P98,000 SA X-RAY MACHINE

$
0
0

KUNG noon ay tanim-bala ang kontrobersyal na isyu na bumagabag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ngayon ay nakawan na.

Isang Pilipinang balikbayan ang nawalan umano ng kanyang Gucci wallet na nagkakahalaga ng P40,000 at naglalaman ng P98,000, credit at debit cards, matapos idaan ang kanyang bag sa X-ray machine ng NAIA Terminal 3.

Galing Amerika ay pauwi na sana si Ann Margaret Anthony sa kanyang pamilya sa lalawigan ng Iloilo pero hindi ito natuloy, matapos matuklasan ang pera at wallet na naglaho na parang bula.

Pumasok daw siya sa Gate 1 ng terminal ng paliparan na dala ang dalawang maleta at isang handbag. Bago ilagay ang handbag sa makina para ma-X-ray ay kinuha niya ang wallet sa loob para ilagay ang mga barya mula sa kanyang bulsa. Matapos nito ay ibinalik niya ang wallet sa handbag at inilagay na ito sa makina.

Dahil huminto ang X-ray at kasunod nito ay umatras, nagtaka si Anthony kung ano ang maaaring dahilan at naantala ito.

Dumiretso si Anthony sa ticketing office para mag-book muli ng flight. Pero laking gulat niya nang matuklasan na nawawala ang kanyang wallet nang magbabayad na siya.

Bumalik siya sa Gate 1 at hiniling na makita ang CCTV footage na sinunod naman ng mga empleyado ng NAIA. Pero akalain ninyong ang apat na CCTV na nakakabit sa Gate 1 ay hindi raw gumagana.

Ang isang CCTV na umaandar ay may kuha sa biktima habang siya ay nasa makina ng X-ray patungo sa airline ticketing office.

Ayon sa tagapagsalita ng MIAA na si David de Castro, nagsinungaling daw ang biktima dahil ayon sa mga nakasaksi at pati na sa CCTV footage ay wala naman siyang dalang shoulder bag sa simula pa lang.

Pero nakakuha si Anthony ng CCTV na kung titingnan nang maigi, ay makikita na may dala nga siyang handbag. Ito ang nagpapatunay na totoo ang kwento ng balikbayan at pinasisinungalingan ang pahayag ng taga-MIAA.

Kailan nga ba matatapos ang kontrobersiya at isyu ng katiwalian sa ating paliparan? Naglagay pa kayo ng CCTV pero hindi naman pala umaandar? International airport pa naman kayo pero kulang-kulang sa mga gamit na sadyang mahalaga sa inyong paghahandog ng serbisyo.

Pumutok ang balita dahil nagsalita si Anthony. Pero ang tanong ay ilang ulit na kaya naganap ito sa mga pasahero, balikbayan at OFW?

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>