Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

AMOY PULITIKA ANG SUSPENSYON NI MAYOR REX

$
0
0

MARAMI ang nagdududa sa timing ng pagpapalabas ng Office of the Ombudsman ng suspension order laban kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at iba pang mga opisyal kaugnay ng sunog sa Kentex na kumitil sa buhay ng may 72 tao noong nakaraang taon.

Maliban kasi sa mga matitibay na ebidensya at argumento na magpapatunay na wala namang kinalaman si Mayor REX sa pangyayari ay itinaon pa ng Ombudsman na ibinababa ang order ilang araw bago ang halalan.

Mabuti na lamang at maagap na nagbaba ng temporary restraining order ang Court of Appeals pabor kay Mayor REX at doon ay napigilan ang tangkang pagpapatalsik sa kanya sa pwesto ng Ombudsman.

Batid naman ng lahat na si Mayor REX na kilalang stalwart ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ay tumatakbo ulit bilang mayor at kalaban niya si Rep. Magtanggol Gunigundo na manok naman ng Liberal Party (LP).

Masugid ding tagasuporta si Mayor REX at campaign spokesman pa ni presidential aspirant Sen. Grace Poe na kalaban naman ni Liberal Party bet Mar Roxas.

Kaya naman hindi kataka-taka kung maghinala maraming political observer na may bahid ng pulitika ang ibinabang order ng Ombudsman.

Natural na itatanggi ito ng Ombudsman pero ang ginawang pahayag ni presidential spokesman Sonny Coloma na suportado ng Malakanyang ang hakbang ay indikasyon na gumalaw nga ang kamay ng Palasyo kaugnay ng kaso.

Ang nakapagtataka pa rito ay tila binalewala ng Ombudsman ang mga inihaing argumento ni Mayor REX na ang pagbibigay ng pamahalaang lungsod ng provisional business permit sa Kentex ay ayon sa memorandum circular 2011-05 ni yumaong Interior Secretary Jesse Robredo, asawa ni LP VP bet Leni Robredo.

Maliban pa rito ay may pahintulot din ang mga local government unit, base na rin sa joint circular ng DILG at BFP circulars, na kumikilala sa pagtatayo ng mga one-stop shop para mapabilis ang pagproseso ng mga permiso ng mga LGU at maiwasan ang mga lagayan at red tape.

Sa madaling salita, kung may dapat sisihin sa pangyayari ay walang iba kundi ang BFP dahil nabigo itong inspeksyunin ang Kentex at i-report sa city government sa loob ng itinakdang panahon.

Para sa akin, marapat lamang na gampanan ng mga taga-Ombudsman ang trabaho nito pero gawin sana nila ito nang naayon sa doktrina ng hustisya at sa itinatakda ng batas at huwag silang papayag na magamit ng kahit anong grupo para isulong ang kanilang political agenda. OPEN LINE/BOBBY RICOHERMOSO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>