Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LP DESPERADO NA KAYA PATI SI KORINA GAMIT NA

$
0
0

DESPERADO na yata talaga ang Liberal Party kaya pati ang maybahay ni LP presidential candidate Mar Roxas na si Korina Sanchez ay ginagamit na nito para suyuin ang mga magsasaka para bumoto sa laging kulelat na kandidato ng mga ito.

May nakakita kasi na kasama si Mrs. Korina Roxas sa pamimigay ng tseke sa mga magsasaka na mula sa Department of Agriculture, bagay na hindi dapat kailanman na makisangkot ang isang pribadong indibidwal, lalo na ang isang media personality sa transaksyon at gawain ng gobyerno(oo nga).

Bakit nga kaya si Korina ay kasama sa mga ganyang transaksyon?

O baka naman hindi kaya ng mga opisyal ng DA sa Mindanao na mamigay ng mga tseke sa mga magsasaka at kailangan pa ang tulong ng isang Korina Sanchez?

Kaya hindi natin maalis ang hinala ng publiko na ginagamit ng LP ang mga ahensya ng gobyerno para puspusang maisulong ang nagkakawindang-windang na kandidatura ni Mar na kahit noon pa man ay wala nang kabuhay-buhay dahil kahit anong gawin ay ayaw umangat ang rating!

Ewan ko ba kung bakit ganito katibay ng mga sikmura ng mga ito, kasama na itong si Aling Korina Sanchez, para maiangat lang ang kandidatura ng kanilang pambatong kandidato na wala naman talagang kabuhay-buhay at kung ano-anong maruruming taktika ang ginagawa para lang makalamang sa halalan sa Mayo.

Siyento por siyento, sa ginawang ito ng LP, titiyakin ko sa inyo bok, mismo ang mamamayang FILIPINO ang maglalagay sa kangkungan sa kanilang kandidato (‘wag ninyong pilitin ang taumbayan).

Eto ba ‘yung ipinagmamalaki nilang “Daang Matuwid”: ang maging daang baluktot?

Ay naku Roxas!

VK SA MABALACAT, MAY PATONG BA SI MAJOR?

Sa lalawigan ng Pampanga sa Mabalacat ay patuloy ang operasyon ng mga video-karera ng hindi man lang daw kumikilos si Mabalacat chief-of-police Maj. Gil Domingo.

Bakit kaya, hindi kaya dahil sa malaki ang ibinibigay sa kanya ng lingguhang timbre ng operator nito na direkta sa kanyang bank account?

***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>