HALOS mahigit na sa dalawang taong nakaimbak sa bodega ng National Food Authority (NFA) ang tone-toneladang nabubulok na bigas at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipamamahagi o kaya’y naipamimigay sa mga kapus-palad na sinasabi ni Pres. Noynoy Aquino.
Natatandaan ko pa sa SONA ni Pres. Noynoy July noong 2010 na mariin niyang sinabi sa taumbayan na isang malaking krimen daw ang pagpapabayang mabulok ang bigas sa mga bodega noong 2008.
Ipinagmayabang ni PNoy sa kanyang talumpati na marami raw na kapuspalad ang nagugutom habang ang tone-toneladang bigas daw sa bodega ng NFA ay nabubulok. At sa halip daw na ipakain sa mga kapus-palad, ang nakikinabang ay mga uod at bukbok. Nauugat umano ito sa sobrang bigas na inaangkat at tuloy raw nalubog sa utang ang NFA.
Pero Diyos kong mahabagin, ‘yung mga ipinagmamayabang noon ni Pang.Noynoy ay tila nangyayari na rin sa kanyang administrasyon na kung saan ay sandamukal na rin ang tone-toneladang bigas ang nabubulok sa bodega ng NFA.
Nasaan na ang ipinagmamayabang ni PNoy na ipakain niya sa maraming nagugutom na kapus-palad sa halip ang nakikinabang daw ay ang mga uod at bukbok? Hindot ninyo. Hehehehe.
E, panay ang tanggi ni NFA Administrator Renan Dalisay ukol sa mga nabubulok na bigas at panay pa ang angkat ng tone-toneladang bigas mula sa ibang bansa.
Abangan ang pag-expose natin sa mga kabulukan ng NFA!!!
BOOKIES EMPEROR NI ER, ‘DI MATIBAG
Sa Los Baños at Bay, Laguna ay patuloy pa rin daw ang operasyon ng bookies ng Small Town Lottery ni Edwin Ramos o ER dahil pinoproteksyunan daw ito ng mga barangay official at alkalde ng nasabing bayan.
Walang ginagawang aksyon si Laguna Provincial Police Director Supt. Ronnie Montejo para ipatigil ang bookies ni ER na halos ilang metro lang ang layo sa istasyon ng pulis ang ginagawang pagrebisa sa mga taya.
Bakit malaki ba ang lagay ni Col. Montejo?
***
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
