Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DUTERTE PARA SA MAHIHIRAP

$
0
0

KITANG-KITA sa mga ikinikilos ni Davao City Mayor Rody Duterte, pambatong Pangulo ng PDP Laban, kung saan kikiling ang kanyang administrasyon sakaling manalo na ito sa Mayo.

Unang-una kasi sa agenda ni Digong ang pagtulong sa mga mahihirap kaya naman malinaw sa kanyang mga nakalipas na pahayag ang kanyang mga programa sa mga maralita, maging sa kanayunan man ito nakatira o kalunsuran.

Kamakailan lamang ay sinabi ni Duterte na kanyang palalakasin pa ang 4Ps sa pamamagitan ng karagdagang ayuda sa pamamagitan ng pagpapautang sa mga benepisyaryo nito na makapagnegosyo.

Nitong Linggo lamang sa Butuan ay sinabi na rin ni Digong na bibigyan niya pa ng karagdagang isang kabang bigas ang lahat ng mga miyembro ng 4Ps sa buong bansa dahil alam niyang hindi talaga sapat ang tulong na ibinibigay ng gobyerno.

Ramdam ni Duterte ang paghihirap ng ating mga kababayan kaya naman naisip niyang ibahagi ang kita ng Pagcor at iba pang casino sa bansa sa mga kapus-palad niyang kababayan.

Sa pahayag ni Digong, kukunin niya ang pambili ng bigas sa Pagcor upang makabahagi naman ng kita ang mga maralita ng bansa at hindi lamang ang mga ganid sa pamahalaan.

Malinaw sa mga balita na makailang ulit na ring naintriga ang Pagcor dahil winawaldas lamang nito ang kanilang kita sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga makapritsong programa ng pamahalaan.

Ilang ulit na ring nabanatan ang Pagcor dahil ginagawa itong “milking cow ” ng mga tao sa gobyerno.

Hindi na bago si Duterte sa mga bulok na kalakaran sa pamahalaan kaya naman alam niya ang kanyang diskarteng gagawin upang wakasan ang mga katiwalian na siyang daan naman para matulungan ang mga nagdarahop niyang kababayan. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>