NAKAAAWA ang rehimeng Aquino sa usapin ng martial law. Pinipilit nilang palabasin na sinadya ang diktaduryang rehimen noon ni Ferdinand E. Marcos. Kung totoo na gusto ninyo na palawakin ang impormasyon sa isyu ng batas-militar, bakit ngayon lang kayo nagkandarapa na parang sagad ang inyong galit sa diktadurya noon?
Nakaaawa, lalo na itong si Manuel Quezon III. Sana alagaan mo ang pangalan ng iyong lolo Usec. Quezon. Huwag mong hayaang isama ka sa mabahong pamamalakad ng sutil na rehimen ni Aquino.
Tama na dapat malaman ng mga kabataan ang kasaysayan, hindi lang noong panahon ng diktadurya. Pero sana, ‘yung totoong istorya ng nagdaang panahon at hindi yaong mga kasaysayan na hinawi ng mga traydor sa bayan.
Katulad ng kataksilan ng rehimen ni Emilio Aguinaldo noon sa rebolusyon na isinulong ng Katipunan. Pinatay ang AMA NG KATIPUNAN na si GAT ANDRES BONIFACIO para lubusan na maagaw ang kapangyarihan na mamuno.
Ano ang ginawa nila kapagkaraka? Ibinenta ang Pilipinas mula sa kamay ng mananakop na Espanya sa imperyalistang Amerika. Hindi nga ba nagtungo sila sa Hong Kong para roon maghatian? Sino-sino sila noon, G. Quezon?
Noong sakupin tayo ng militaristang Japan, sino nga ba ang mga kakuktsaba ng Japanese Imperial Government sa bansa natin noon? Kilala mo ba G. Quezon si SERVILLANO AQUINO na MAKAPILI at nagpapatay ng maraming Filipino? Hinatulan siya ng Hukumang Bayan at puwersang Kano!
Kung ako nga si vice presidentiable bet Senator Bongbong Marcos, magpapasalamat pa ako sa inyong tropa sa Malacañan. Dahil sa inyo, nalibre siya sa kampanya at dahil sa pagbaluktot ninyo ng kasaysayan, nagkainteres ang maraming kabataan tungkol sa nakaraan na diktadurya at nalaman nila ang TOTOO!
Na, hindi ibabagsak ni Marcos ang martial law noon kundi sa isang tao na nangarap maging Pangulo ng bansa sa marahas na paraan – si BENIGNO AQUINO, JR. aka “Ninoy” na tatay ni Noynoy ngayon.
Hindi maitatanggi na nakipagkutsabahan si “Ninoy” sa gobyerno ng Malaysia para armasan ang grupo ni Professor NUR MISUARI, Moro National Liberation Front kapalit ang pangako na kapag siya ang naging Pangulo, HINDI NA RAW BABAWIIN ANG BORNEO na ngayon ay SABAH.
Katinuan ba iyon, Mr. Quezon? KATAKSILANG BAYAN iyon na mahalagang malaman ng sambayanan! Imagine, LOLO, MAKAPILI, TATAY MAKAPILI (Taksil na Filipino kampi sa Malaysia) at ngayon, sa Malaysia uli?
You there in Malacañang are really HISTORY TWISTERS. Sa wika natin, MGA SINUNGALING!!! BALETODO/ED VERZOLA