BIGYAN natin ng daan na mailathala sa espasyong ito ang opinyon ng isang concerned citizen na may kinalaman sa isang buong termino ni Pang. Noynoy Aquino sa ating bansa.
Heto po.
Ano ba ang mga napagtagumpayan ng administrasyong ito sa nagdaang anim na taon? Natamo ba ng mamamayan at natamasa ba ang kaginhawahan na itinuring ni Pang.Noynoy Aquino sa kanyang mga boss.
Ang taumbayan ay dapat niyang paglilingkuran, ngunit ang nakita sa kanyang pamamalakad ay kawalan ng ‘amor’ sa pakikipagkapwa-tao. Dahil ba ang Pangulo laki sa marangyang buhay kaya malayo siya sa tunay na damdamin ng maralita? Tulad na lang ang SSS pension. Bakit niya pinagdamutan ang mga matatandang naglambing sa kanya?
Isa pa ang ‘di pag salubong ni Pang. Noynoy sa SAF-44 nang dalhin na ang mga bangkay ng mga ito sa airport. Nasaan siya ng mga panahong ‘yon? Mas importante pa ba ang ibang bagay noong mga time na ‘yun kaysa halaga ng mga namatay na sundalo?
Ang mga tao na nakapaligid sa kanya, kabi-kabila ang mga kinasangkutang ‘anomalya’ pero ni isa ay wala tayong nakitang kanyang ipinakulong. Puro ‘yung mga kalaban niya sa pulitika gaya nina Sen. Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Juan Ponce Enrile. Magpahanggang ngayon ay namamayagpag pa rin sina Sec. Florencio Abad at iba pang mga katoto nito.
Ang mga bata niya sa PNP, DOTC, PDAF, YOLANDA, LTO, DILG, panay kober up lang siya sa mga kapalpakan ng mga ito!
Sa tingin ba ninyo dapat pa tayong sumubok sa mga elitistang BULAAN?
MGA PAGKATIWALAAN SA SENADO
Matagal na po nating kaibigan si dating police Gen.Romeo Maganto na ngayon ay isa sa mga kumakandidato bilang senador na indepindyente. Noon pa man ay kilala na natin si Gen. Maganto kung pagbabasehan lang natin ang mga nagawa niya nasa serbisyo pa bilang opisyal ng pulisya.
Si Maganto ang itinuturing na “Sparrow Hunter” ng panahon na nasa aktibo pa siya sa kanyang serbisyo. Wala siyang sini-sino, basta kalaban ng gobyerno ay kanya itong hinuhuli. Napatino niya ang lumalang krimen sa bansa at nasugpo niya ang iba’t ibang krimen sa bansa. Kaya isa ito sa 12 senador na IBOBOTO ko.
Isama ninyo na rin siya!!!
***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA