Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

RESIBO SA HALALAN WAEPEK SA DAYAAN

$
0
0

MAITUTURING na isang malaking tagumpay ng mga mamamayan ang desisyon ng Supreme Court na maglabas ang Commission on Elections ng resibo ng boto sa darating na halalang Mayo 9, 2016.

Ngunit kung epektibo ito sa pagkamit ng malinis at kapani-paniwalang halalan ay ibang usapan.

‘Yun bang === hindi mapipigilan ng desisyong ito ang mga dayaan na magaganap. Bakit?

HINDI PWEDE

Isang depekto ng desisyon ang pagbabawal na mailabas ng botante ang resibo.

Mararamdaman ang depekto sa kawalan ng dokumentadong batayan ng anomang agarang protesta na gagawin, lalo na ng magrereklamong kandidato.

Magiging tsika-tsika lang ang lahat hangga’t hindi mabubuksan ang kahon o ballot box o vote-counting machine o precinct count optical scan para mapatunayang mayroon ngang dayaan.

Isang ehemplo ng klarong dayaan ang pagkakaroon ng zero vote ng isang kandidato na magsasabing bumoto siya para sa kanyang sarili.

Eh, laro ng mga mandaraya ang zero vote.

‘Di ba, ex. Congressman Digs Dilangalen?

SANTA KLAUS

Kaauna-unahan sa mga lungga ng mga mandaraya ang mga tahanan mismo ng mga botante.

Isa o dalawang gabi at araw bago maganap ang dayaan, gumagala na ang mga Santa Klaus sa pagbili ng mga boto.

Hindi mo kailangang magsabit ng medyas dahil sa palad mo mismo ibibigay ni Santa Klaus ang regalo mo, kapalit na iyong boto.

Palakihan pa nga ng regalo ang mga Santa Klaus at mayroon pa ang bawat isa sa mga botante sa isang pamilya.

Maraming pagkakataon na magkakasunod ang mga magkakalabang Santa Klaus sa pagbisita sa mga bahay ng mga botante.

Pinauuna ang isa o dalawa o higit pa at ang huling Santa Klaus ang magbibigay ng regalo na mas Malaki kaysa bigay ng mga nauna.

Walang binatbat ang P1,000 na pangako ni Mar Roxas sa bawat miyembro ng pamilya sa bisa ng Bottom-Up-Budgeting kuno sa mga bigay ng mga Santa Klaus sa maraming lugar.

Si Mar Roxas ay nangangaako pa lang samantalang si Santa Klaus ay darating mismo sa iyo. Hehehe.

BANTAY-SARADO

May mga sadyang malalakas ang loob at malalakas sa mga diyos-diyosan na kandidato.

Hindi naman totoo na nalalansag talaga ng mga awtoridad ang mga private armed group kung tawagin na tauhan ng mga politiko.

Sa maraming pagkakataon, mismo pa ang mga pulis o militar, halimbawa ang PAG ng mga politiko.

Kapag binisita ka ng isang trak ng mga pulis o sundalo at kalaban ka ng mga malalakas o makapangyarihang politico, mag-isip-isip ka na kung itutuloy mo pa ang pangangampanya.

Olats ka na.

DISQUALIFIED

Marami ring pagkakataon na kasali ang Commission on Elections mismo sa panalo at pagkatalo ng isang kandidato.

Halimbawa si Sen. Grace Poe na muntik nang mabiktima ng Comelec.

Mabuti’t sinagip siya ng Supreme Court.

Eh, paano ‘yung iba na diniskwalipay ng Comelec at ididiskwalipay pa nito? At hindi natatapos ang disqualification ng Comelec bago ang halalan.

Pwede ka pa ngang manalo pero pupwede kang perwisyuhin ng Comelec pagkatapos.

‘Di ba ex-Laguna Governor ER Ejercito?

TALSIK KA

Kapag pinagkaisahan ka ng Malakanyang, Ombudsman, Senado at Kamara…at pati ng Supreme Court para mapatalsik sa pwesto sa anomang kadahilanan, lagot ka rin.

Huwag na tayong magpaligoy-ligoy rito.

Tanungin na lang ninyo si Makati Mayor Junjun Binay kung ano ang nangyari sa kanila.

Anak ng tokwa, mayroon pa ngang kasamang parusa ang pagpapatalsik sa iyo… kung talagang minmalas ka.

‘’Yun bang === forever kang hindi ka na makababalik sa pamahalaan bilang opisyal o empleyado.

CANVASSING

Oks pa ang lahat, halimbawa, sa mga presinto ng botohan.

Ito’y dahil sa iisyuhan ka ng resibo ng Comelec. Pero kapag nai-transmit na ang resulta ng mga presinto sa munisipyo, probinsya, national Comelec at Kongreso, anak ng tokwa, ibang usapan na ‘yan.

‘Yung mga panalo sa presinto ay maaaring talo sa canvassing sa munisipyo, probinsya, national Comelec at Kongreso.

Tanungin n’yo pa sina Baguio City Mayor Mauricio Domogan, Sen. Miriam Defensor-Santiago at namayapang si Fernando Poe, Jr.

Excuse me po, Da King, sumalangit nawa ang iyong kaluluwa.

BROWNOUT, NAKORAP

‘Di ba uso ngayon ang pagtumba ng mga pylon o tore ng mga kawad ng kuryente at iba pang dahilan ng mga brownout at blackout?

Kung sundan ninyo ang reklamo sa halalan dito, anak ng tipaklong, ang mga nananalo ay natatalo at ang mga natatalo ay nananalo.

Naging kontrobersyal din ang pagloloko ng PCOS noon sa may isang milyong boto.

Na-correct naman umano ito, pero sino ang kumbinsido rito?

Sa canvassing sa Kongreso para presidential election na dinaluhan ni Mayor Domogan noong kongresman pa siya, may 42,000 CF Card na may katumbas na 4-milyong boto ang kinuwestyon nina Mayor.

Dinedma lang ng mayorya ng national board of canvassers ang reklamo sa dahilang kailangan habulin ang pag-expire ng termino ng Pangulo sa June 30 at kailangang may maproklamang Pangulo para hindi malagay sa alanganin ang bansa sa kawalan ng Pangulo.

GUSTO NG KANO

Heto ang matindi.

Kung sino ang gusto ng mga Kano na Manalo sa halalan, ‘yan ang masusunod. Balewala ang boto ng mga mamamayan dito.

Tanong: malinis at kapani-paniwala ba talaga ang halalan sa mahal kong Pinas?

Sagot kayo riyan, sa Comelec at mga tutang politiko.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>