SUPER SIPSIP, kundi man, malaki na ang kinita ng nagsulong ng konsepto sa angkan ng Cojuangco Aquino na gawing santa si Corazon Aquino at bayani naman si Ninoy Aquino. Nanay at tatay ni Benigno Aquino III na nakaupo sa Malacañan mula pa noong Hulyo 1, 2010.
Malaki rin ang kinita ng gumawa ng aklat para sa pampublikong elementarya na talagang sinagad ang paghahabi ng maling kwento ng kasaysayan. Bakit hindi? Pinalabas sa mga aklat na tila baga ang angkan ng Cojuangco Aquino ang nagligtas sa bansa sa kamay ng diktaduryang rehimen noong Pebrero 1986?
Anong kasantahan ang magtutulak kay Cory Aquino? Nang siya ay iupo bilang Pangulo ng mga tunay na nagsindi ng paghihimagsik kontra sa rehimen ni Ferdinand E Marcos, matapos ang konting panahon, inalis niya sa puwesto ang mga ito, lahat ay nilait!
Ginamit ni Cory bilang flagship program niya ang agrarian reform. Halos naipamigay na ang mga lupang hacienda noon sa mga kasama at sakada. Pero nang humingi ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita, hayun, minasaker sila!
At si Ninoy para gawin na bayani ay kasalanang mortal kung gagawin iyan. Totoo na mahusay siyang politiko pero kuwestiyunable ang kanyang pagkamakabayan. Kung makapagsasalita lang ngayon sana si Senador Jovito Salonga!
Makabayan ba na makipagkasundo sa Malaysia na suportahan siya, armasan ang mga Muslim sa Mindanao kapalit na kapag siya ang naupo sa Malacañan ay HINDI NA NIYA BABAWIIN ANG BORNEO o Sabah ngayon?
Marami ang naniwala sa kanya noon na mga Kabataan sa pag-aakalang ang isusulong niya ay tunay na demokratikong pamumuno. Marami sa kabataan ang sumama sa armadong pakikibaka ang napahamak dahil sa bintang na kontra-rebolusyonaryo – yaon pala’y mga tutol sa gusto niyang gawin na malagim na pulitika.
Alalahanin ang pagbomba noon sa Plaza Miranda! Itinuro si Marcos, ‘yun pala ang may pakana ay siya! Ibinulgar noon ito ni Senador Jovito Salonga!
Naalala ba ninyo nang hatulan ng Hukumang Bayan ng pinagsanib na pwersa ng mga Filipino at Amerikano si SERVILLANO AQUINO dahil sa pakikipagsabwatan nito sa mananakop na Hapones noong World War II?
Lolo ni Noynoy si Servillano at tatay niya si Ninoy. Kailangan bang magpaliwanag pa? At si Noynoy mismo ay inulit ang pakikipagkutsaba sa mga Malaysiano para maisulong niya ang iligal ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Sila ba ang dadakilain bilang santa at gat o bayani? NO WAY! BALETODO/ED VERZOLA
