Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

VK AT DROGA TALAMAK NA SA PAMPANGA

$
0
0

MULI nating balikan itong lalawigan ng Pampanga at ating siliping muli ang sangkatutak na nagsulputang video-karera (VK) sa bayan ng Mabalacat at Angeles City na hinihinalang binigyan na naman ng go-signal ng mga tiwaling kapulisan ng lalawigan.

Unahin na muna natin ang bayan ng Mabalacat na kung saan isang alyas Louie Laxamana ang nagsilbing booker ng mahigit 100 daang unit ng VK.

Isang operator na taga-Rizal umano ang mabilis na naglatag nito sa tulong ng mga kakutsabang barangay official at kapulisan.

Halos walang pinipili, bata at matanda ay nawiwiling mag-VK dahil sa animoy ito’y ligal na ligal dahil sa hindi ito hinuhuli ng kapulisan kahit pa ang mga nasabing mga makina ay nakalatag sa bawat kanto ng mga barangay o sitio.

Samantala, itong si Mabalacat chief-of-police Maj. Gil Domingo ay mukhang patuloy na naghihintay ng tagay, este lagay, kaya hindi kumikilos. Hehehehe.

Sa Angeles City naman ay patuloy rin ang pamamayagpag ng sangkaterbang video-karera ni John Lee na kung saan ay laganap din ang bentahan ng droga sa mga puwesto nito.

Wala ring ginagawang aksyon si Angeles City C/Supt. Sidney Villaflor para mapatigil ang lumalalang sugalan at bentahan ng droga sa mga puwesto nito.

Maging si Pampanga Police Provincial Director Supt. Rodolfo Ricomono, Jr. ay nakatunganga lang kahit nagiging sentro ng sugalan at malawakang bentahan ng drugs ang nasakupan nito.

SALUDUHAN NATIN ANG MGA PULIS

Uy, batiin nga pala natin itong mga magigiting na pulis na sina P/Insp. Aristedes Marinda at Insp. Noel Almerino sa pagkakahuli nila sa dalawang big-time drug pusher na chinese sa isang buy-bust operation na isinagawa nila sa isang parking area sa Max Restaurant sa Makati.

Nalambat ng grupo ni Insp. Marinda ang Chinese na sina He Kaibei at Henry Lam na kapwa mga taga-Fujian,China at ang Pinay na kasama na si Annaliza Villegas.

Ang mga ganitong mga pulis, sina Insp. Marinda at Almerino, ang dapat nating saluduhan dahil sila ‘yung mga pulis na dapat ikarangal ng bayan sa pagtatrabaho para sa bayan.

Sa inyo, Insp. Marinda at Almerino, saludo po kami sa inyo!

***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>