Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BINIBILI ANG BOTO MO

$
0
0

MATAGAL nang usap-usapan ang paggamit ng pondo, proyekto, programa, sasakyan at empleyado ng gobyerno para sa pangangampanya ng mga kandidato ng administrasyon.

Nagkalat sa social media ang mga litrato. Pero ang ‘di masyadong nakikita dahil ginagawa ng palihim ay ang malawakan daw na gapangan na nagaganap sa lahat ng mga barangay para sa isang vice presidential candidate na napakaraming pera…pera na iniwan ng yumaong ama, pera na nakuha sa pandarambong.

Palibhasa ay kamkam daw na yaman at ‘di naman daw galing sa trabaho o negosyo kaya walang pakundangan kung magpamudmod ito sa mga barangay official, lalo na sa mga barangay captain, barangay secretary o barangay treasurer–kung sinoman sa kanila ang papayag na maging poste.

Napaka-organisado raw ng kilos at galaw. Ang mga barangay official umano ay binibigyan ng P10,000 – P15,000 kada buwan, depende sa dami ng botante ng barangay o sa lakas ng kapit sa kandidato o sa mga tao ng kandidato.

Ang mga barangay coordinator naman daw ay nakatatanggap ng P300 hanggang P500 kada buwan at may recruitment scheme pa.

Nagsimula raw sa 5 bawat barangay, tapos kukuha sila ng tig-isang miyembro na dagdag bawat buwan, hanggang parami nang parami.

Ang kumakalat pa raw na balita ay pagdating ng Mayo ay aakyat pa sa P1,000 ang biyaya para sa mga pinaka-masigasig mag-recruit ng higit sa minimum. Multi-level marketing para sa boto.

Ang dulo nito ay para maabot ang 30%-40% ng mga botante sa bawat presinto na lahat ay bibigyan ng tig-P200 sa araw ng eleksyon.

Umpisa pa lang daw ito. Mukhang dodoble pa ang mga numero habang papalapit ang araw ng eleksyon. Wow naman! Totoo kaya ito? Ang sabi nila, kapag may usok, tiyak may sunog. Sana naman ‘di tayo ang maaabo. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>