Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MANGINGISDANG PINOY BINU-BULLY PA RIN NG CHINA

$
0
0

IBA ang ginagawa ng China sa sinasabi nito. Laging laman ng mga pahayag ng mga opisyal ng China na wala silang ginagawang mali pero heto na ulit sila at namemerwisyo.

May 17 mangingisda mula Bgy. Cato sa Infanta, Pangasinan ang dumating noong Huwebes matapos ang isang linggo na paglalayag sa West Philippine Sea.

Ang baon nila ay ang malupit na pagtrato na ibinigay sa kanila ng Chinese Coast Guard malapit sa Scarborough Shoal. Gumamit daw ang Chinese Coast Guard ng malalakas at nakabubulag na mga ilaw para palayasin sila. Dahil daw sa sobrang sakit na idinulot ng kulay berdeng ilaw sa kanilang mga mata ay napilitan silang magtago na lang sa kanilang bangka.

At bukod dyan, may ulat din na isang bangka na pag-aari ng mga mangingisda mula Subic, Zambales ang binangga ng rubber boats ng Chinese Coast Guard.

Gayunman, magpapatuloy pa rin daw ang mga mangingisda sa kanilang ginagawa kahit na may panganib na kaakibat ito. Hindi raw nila magagawang iwan ang hanapbuhay na sumuporta sa kanila at pati na sa kanilang pamilya sa loob ng maraming taon dahil lamang sa pamemerwisyo ng China.

Wala pa raw natatanggap na ulat ang Philippine Coast Guard sa pinakahuling naganap na pambu-bully ng China sa ating mangingisda. Pero ilang ulit na ba itong naganap at patuloy pang nangyayari hanggang sa kasalukuyan?

Ang mga bansang Malaysia, Brunei, Taiwan, Vietnam at Pilipinas ay may mga bahagi na inaangkin sa teritoryo na gustong sarilinin ng China. Ang Scarborough Shoal ay nagsisilbing daungan ng mga bangka ng mga Filipinong mangingisda, lalo na kapag may bagyo sa pinagtatalunan West Philippine Sea or South China Sea.

Ang ginagawa ng China ay inaangkin ang mga teritoryo sa West Philippine Sea kahit bahagi ito ng nasasakupan ng Pilipinas. Ang karapatan na kanilang sinasandalan ay walang iba kundi ang sinasabi ng kanilang kasaysayan.

Kung ibabatay sa leigalidad ay wala itong kalaban-laban sa karapatan na ipinaglalaban ng Pilipinas na batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea. Maging ang mga bahagi ng karapatan na ayon sa UNCLOS ay pag-aari ng Pilipinas ay inaangkin ng China.

Maliwanag na wala sa lugar ang ginagawa ng China pero baliwala ito sa kanila. Ang mahalaga lang ay maangkin nila at makuha ang teritoryo na nais nila kahit iligal pa ito.

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>