Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GOB, PD BULAG SA SINDIKATO NG PAIHI SA BATAAN

$
0
0

PATULOY pa rin ang multi-million peso operation ng talamak na pagnanakaw ng produktong petrolyo o langis na mas lalong kilala sa tawag na “paihi” ng mga hinihinalang nag-o-operate nito na ‘big-time syndicate’ sa Bataan.

Sa impormasyong nakalap natin ay hindi basta-basta ang operasyon ng ‘paihi’ dahil daan-daang milyong piso ang kinikita ng mga sindikato na nagpapatakbo rito. Hindi pa kasama rito ang perang ipinanlalagay ng sindikato sa mga “patong” na opisyal ng gobyerno at ilang tiwaling kapulisan at ahente ng National Bureau of Investigation.

Ang modus-operandi ng ‘paihi’ ay ang pagsipsip ng produkto ng langis o gasolina mula sa mga delivery bunker at delivery oil tanker na kinukuha mula sa mga kontak ng sindikato mula sa mga barge na nakadaong sa pantalan at mga delivery oil tanker mula sa mga oil refinery sa nasabing lalawigan.

Napag-alaman pa nating isang Mike na nagpapakilalang ahente raw siya ng NBI ang kasabwat ng sindikato ng ‘paihi’ kaya smooth na smooth ang operasyon ng sindikato sa Bataan.

Kabilang sa mga big-time operator umano ay si Bogs V na nagpapatakbo ng ‘paihi’ sa Bgy. Toyo, Limay, Bataan, Kap. Blade sa Hermosa, Pedro at Velasco sa Bgy. Alangan, Limay, Bataan at Aling Norma, Marilou, Malen at Aquino sa Bgy. Puting Buhangin, Orion, Bataan.

Ang pinagtatakhan ko ay kung bakit tila ‘naka-piring’ ang mga mata o walang nakikita itong sina Bataan Gov. Albert Garcia at Provincial Police Director S/Supt. Rhodel Seremonia? May tagay, este, lagay ba sila?

TUPADAHAN NI KAP HINDI HINUHULI NI COP

Ang iligal na tupada ni Kap. Bitoy Villanueva sa Brgy. Latian at Mapagong, Calamba, Laguna ay hindi hinuhuli ni Calamba C/Supt. Fernando Ortega sa kabila ng ito’y sanhi ng mga rampant na nakawan sa nasabing bayan.

Ayokong sabihin na may tongpats o patong si kernel sa tupadahang ‘yan pero bakit hindi niya hinuhuli ang tupadahan ni Kap. Bitoy Villanueva? Bakiiiit?

***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaz de


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>