Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

‘KUNG ‘DI KAMI NAGTRABAHO, BAKIT PA N’YO KAMI IBOBOTO?’

$
0
0

punto ni panyeroHINDI lang “no work, no pay” kundi “no work, no vote” sa midterm elections sa May 13.

Ito ang nakikitang solusyon ni Team PNoy senatorial candidate Edgardo “Sonny” Angara sa absentismo ng mga mambabatas sa Kongreso.

Sa isang radio interview noong nakaraang Lunes, nanawagan si Angara sa mamamayan na huwag iboto ang mga kandidatong mambabatas na may reputasyon ng pagpapabaya sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad, kabilang dito ang pagiging 100% present sa lahat ng mga gawain at sesyon sa Kongreso.

“Bago natin itulak ang ‘no work, no pay’ policy sa susunod na Kongreso, siguro, mas importante at napapanahon ang ‘no work, no vote.’

“Tingnan ninyo sa Kongreso ang records namin na senatorial candidates.

“Kung hindi naman pala kami nagtrabaho, bakit pa ninyo kami iboboto?” anang three-term congressman mula sa nag-iisang distrito ng Aurora.

Matapos lumabas ang listahan ng absences ng mga kongresista noong 15th Congress, tila sinakyan ng ilang senatorial candidate ang isyu at nagpanukala sila ng “no work, no pay” policy na ilang araw din na na-front page sa mga diyaryo at umere sa radyo, telebisyon at internet.

Pero mas mabigat ang “no work, no vote” ni Angara.

Para sa kanya, hindi na dapat na hayaan ng mga botante na manalo pa sa eleksyon ang mga kongresman na nagbulakbol at hindi ginawa ang kanilang assignments para sa taumbayan.

Hindi na kailangan pa ang “no work, no pay” policy at iba pang multa at kaparusahan kung ngayon pa lang, batid na ng mga botante kung sino sa senatorial candidates ng Team PNoy at UNA ang hindi nila mamarkahan sa balota pagdating ng May 13.

Hinihimok ni Angara na maging informed o mangalap ng sapat na kaalaman ang bawat botante tungkol sa lahat ng kandidato.

“Halal kami ng Bayan, dapat naninilbihan kami para sa Bayan.

“Hindi kami dapat naglalakwatsa o papetiks-petiks lang.

“Dapat na iboto ng tao ngayong midterm elections ang mga kandidato na tinupad ang kanilang sinumpaang tungkulin sa tao sa nagdaang Kongreso,” ang sabi pa ni Angara.

Personal na pinili ni Pangulong Noynoy Aquino si Angara para sa Team PNoy at para pangunahan nito ang laban sa edukasyon at trabaho.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Sapos para colorear


Tagalog Love Quotes – Nagmamahal


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


Tropa Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Pokemon para colorear



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>