PANAY bulatsing itong si BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares kung paano niya ginagawan ng paraan na tumaas ang koleksyon ng kanilang Kawanihan.
Kaliwa’t kanang asunto ang kanilang isinasampa para mapataas ang revenue collection at maisaksak sa utak ng bawat kompanya o pribadong indibidwal ang obligasyon sa buwis.
Pero nakalimutan ni Henares kung paano tuturuan ng tamang pakikitungo o bigyan ng patnubay ang bawat nagbabayad ng buwis!
Eh, sino ba naman ang gaganahang magbayad ng buwis kung imbes na ayudahan ang taxpayer para hindi ito mahirapan sa proseso ng pagbabayad ay istrikto at walang pakialam ang kanilang mga empleyado’t empleyada?
Basahin mo ito Commissioner Henares.
Isang kaibigang taga-Pasay ang gustong magbukas ng negosyo ngunit kinakailangan muna niyang makakuha ng “Tax Clearance” dahil may mga hindi siya na-settle sa naunang isinaradong kompanya.
Desididong sumunod sa batas, gusto niyang asikasuhin ang napakaraming “open cases” na dulot ng hindi nai-submit na record sa BIR sa nauna niyang kompanya.
Bitbit ang pambayad, paulit-ulit at pabalik-balik si “taxpayer” at halos hindi na makagulapay sa pagod dahil hindi man lang inaalalayan ng mga hinayupak na empleyado ng Pasay-BIR.
Eh, paano ninyo mahihikayat ang taumbayan na magbayad ng buwis kung hindi kayo friendly o accomodating?
Ayon sa aking tawiwit, sinasadya ito ng ilang gagong taga-BIR na pahirapan ang “taxpayer” lalo na kung may kaunting problema para umareglo na lang o kaya ay ipaayos na lang sa mga demonyo!
Ano pa nga naman ang gagawin mo kung di ka na makagulapay sa pagod?
Eh, di maglagay ka na lang sa mga bwakanang ina nila!
Ang masakit, parekoy, mukhang may nagaganap na sabwatan sa pagitan ng BIR at Landbank Pasay branch!
Dahil ang dati nang masalimuot na pagpoproseso sa BIR Pasay ay lalo pang pinahihirapan pagdating sa Landbank kung magbabayad ka na ng kaukulang payment!
Pipila ka ng napakahaba, pero hanggang limang (5) payment lang ang ia-allow sa iyo.
Ibig sabihin, kung anim na documents ang babayaran mo ay kailangan mong pumila uli para sa sumobra sa lima!
Abangan bukas.