Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

‘ENDO SYSTEM’ HAHARAPIN NI BONGBONG

$
0
0

ISA sa mga suliranin ng Pilipinas ay ang kontraktuwalisasyon o higit na kilala sa tawag na “endo system” (end of contract system) na sobrang lala na ang status.

Sa datos ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Associated Labor Unions (ALU), at Federation of Free Workers (FFW), umaabot sa 20-milyong Filipino contractual workers ang ‘nakagapos’ ngayon sa endo system.

Sa sobrang tindi ng problema, tinawag ito ni Senador Bongbong Marcos na “opresibong kontraktwalisasyon.”

Ang kontraktwalisasyon ay pagtatrabaho nang hindi umaabot sa 6 na buwan sa trabaho dahil tinatanggal na, paliwanag ni Bongbong.

Sabi ni Bongbong, hindi nare-regular ang mga ito at mababa pa ang tinatanggap na sahod kada buwan at walang natatanggap na mga benepisyo mula sa kumpanya at gobyerno—na mahigpit na ipinagbabawal ng mga batas-paggagawa.

Idiniin ni Bongbong na tutulong siya sa susunod na administrasyon para maresolbahan ang nasabing problema ng mga manggagawa.

Kung hindi man tuluyang mawala, mabawasan man lamang dahil “ang opresibong kontraktwalisasyon ay patuloy na dumarami,” tugon ni Bongbong.

Si Bongbong ay nangunguna sa pagka-Bise-Presidente, ayon sa huling sarbey.

Ayon kay Bongbong, ang kailangan lang naman talaga ay sundin at ipatupad ang batas-paggagawa na nagbabawal sa kontraktwalisasyon o limang buwang pagtatrabaho.

Naniniwala rito ang FFW, na may sapat na batas laban sa kontraktwalisasyon.

Ang kailangan lamang ay sundin at ipatupad ang mga ito, saad ni Matula, isang beteranong abogado at lider manggagawa.

Lubos akong naniniwala na tutulong si Bongbong sa susunod na administrasyon sa pagresolba ng nasabing suliranin ng mga manggagawa dahil sa lahat ng politikong tumindig laban sa kontraktwalisasyon ay tanging si Bongbong lamang ang nagsabing “opresibo ang kontraktwalisasyon.”

Nangangahulugang natumbok ni Bongbong na matinding krimen ang kontraktwalisasyon para sa mga manggagawa.

oOo
Problema at reaksiyon n’yo itawag sa: 09985650271 o mag-email sa: sulongbade@yahoo.com o bisitahin ang: NSBADILLA.BLOGSPOT.COM BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>