Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MARAMING TRABAHO TINIYAK NI BONGBONG

$
0
0

TINIYAK ni Bongbong Marcos sa mamamayan na kikilos siya upang magkaroon ng maraming trabaho sa bansa sa unang 100-araw ng kanyang paninilbihan bilang bagong Bise Presidente.

Ang pahayag na ito ni Bongbong ay klarong patunay na tumbok na tumbok niya ang pangunahing suliranin ng mga manggagawa at ang kaukulang solusyon dito.

Ang mga basehan ni Bongbong na kailangang magkaroon ng maraming trabaho ay galing ng Trading Economics.com na nagsabing mananatili sa 6% ang unemployment rate ng bansa hanggang 2020 kung walang mapagpasyang estratehiya na gagawin ang gobyerno laban sa problema at ang 1.2-milyong graduates sa kolehiyo na papasok bilang bagong puwersa ng mga manggagawa.

Ang isa sa mga solusyon ni Bongbong ay ang pagsasagawa ng “business-driven” infrastructure projects. “Kapag infrastructure, ang tinutukoy ko ay hindi mga kalsada o tulay, kundi mga paaralan, power generation plants, water system, at ang internet service na siyang pinakamakupad sa buong Asya.”

Sa tingin ko, kaya isinama ni Bongbong ang internet ay dahil kumbinsido siyang “estratehiko” na ngayon ito sa pakikipagtransaksyon ng gobyerno sa negosyo at komersiyo. Ang totoo, kailangang pabilisin ang internet sa Pilipinas dahil ubod ito ng bagal, ayon sa Ookla na internet speed testing company.

Maganda ang punto ni Bongbong dahil tinukoy niya na habang ang pamahalaan ay nagbibigay ng maaliwalas na takbo ng negosyo, dapat tinitiyak din nito ang interes at buhay ng mga manggagawa: ang magkaroon ng regular na trabaho.

Ang maganda pa, naniniwala si Bongbong na kayang gawin ng gobyerno ang kanyang mga ideya. Isa pa, napansin kong naiiba si Bongbong sa mga tumatakbo sa pagka-Bise Presidente dahil mayroon siyang iprinisintang gagawing mga hakbang upang masolusyonan ang talamak na problema hinggil sa kawalan ng trabaho sa Pilipinas.

MISTULANG HALIPAROT NA PARO-PARO SI CHIZ

Hindi ko alam kung kanino nagmana si Senador Francis “Chiz” Escudero, dahil ang kanyang yumaong ama na si Rep. Salvador Escudero III ay hahangaan mo sa pagiging loyalista o tapat na kasama sa paninilbihan sa pamahalaan.

Si Rep. Escudero ay naging tapat kay Pangulong Ferdinand Marcos simula nang nanilbihan siya sa administrasyong Marcos hanggang mawala sa pwesto ang Pangulong anak ng ‘Norte.’

Ngunit, si Chiz Escudero ay 100% kabaliktaran ng kanyang ama. Ang napansin ko kay Chiz ay madaling magsawa sa kasama sa pamahalaan.
Tuloy, nagmumukha siyang haliparot na paro-paro na sobrang bilis magpalit ng kasamang bubuyog.

Bakit kamo? Noong una ay inayawan niya ang kandidatura ni Jojo Binay sa pagka-Presidente. Si Sen. Grace Poe ang kanyang sinuportahan gayong si Binay ang ‘manok’ niya sa pagka-Bise Presidente laban kay Mar Roxas noong 2010.

Noong 2009 naman ay inabandona ni Chiz ang Nationalist People’s Coalition, porke tumanggi si Danding Cojuangco na suportahan ang kanyang planong pagtakbo sa pagka-Pangulo noong 2010. Pagkaalis sa NPC, nilait nang nilait ni Chiz ang naturang partido.

Ngunit ngayon namang eleksyong 2016, tila “Dama de Noche” siyang nakapalupot kay Danding makuha lang ang suporta ng huli upang manalo sa eleksyon.

Ang gulo ni Chiz. Inilaglag na niya noon si Binay kapalit ni Grace Poe, pero kamakailan ay umikot ang balitang gustong makipag-alyansa kay Binay alinsunod sa planong “Oplan BinCudero” kung natuloy na ibasura ng Korte Suprema ang kandidatura ni Grace.

Agad namang ibinasura ng kampo ni Chiz ang BinCudero nang manalo si Grace. Ngunit, nagpaplanong pumalupot si Chiz kay Rodrigo Duterte nang mabalitaan niyang ‘sikretong ipinagpalit’ siya ni Grace kay Bongbong Marcos.

Ang pagpapalit-palit ng kasama at sinusuportahan ay hindi positibong katangian ng isang naghahangad maging Bise Presidente dahil mistulang paro-parong haliparot si Chiz Escudero. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>