Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SEC. SINGSON KUNSINTIDOR

$
0
0

ISANG reklamo ang aking natanggap mula sa isang contractor ng Department of Public Works and Highways sa Region 12 nitong nakaraang Enero ukol sa District Director ng naturang tanggapan.

Pinayagan umano ni Dir. Reynaldo Tamayo na silipin ng ibang contractors ang “bid price” ng kanilang mga kalaban ilang oras bago ang actual bidding.

Ayon sa nagrereklamo na ayaw munang mapangalanan pero handang humarap sa anomang imbestigasyon, ang bidding ay para sa P380-milyong road concreting ng national highway sa General Santos City.

At dahil daw sa pangyayari na bawal sa Procurement Act, nanalo ang isang construction company na may kataasan umano ang naunang presyo.

Kaagad kong inilapit kay DPWH Sec. Rogelio Singson ang kuwestiyunableng bidding process para ito’y maimbestigahan. Nangako naman si Singson na iimbestigahan ang insidente at pansamalantalang aalisin si Tamayo sa puwesto habang gumugulong ang imbestigasyon.

Makalipas ang ilang buwan, wala pa ring imbestigasyon ukol sa umano’y “hokus-pokus” sa pasubasta.

Maging ang pangako ng nasabing kalihim na pansamantalang aalisin sa puwesto si Dir. Tamayo, para hindi raw maka-impluwensya sa kaso, ay nauwi sa pangakong napako.

Patuloy ang paninilbihan ni Tamayo sa DPWH Region 12 bilang director at tuloy ang kanyang mga pa-bidding na kuwestiyunable pa rin umano at iba pang mga milagro, dagdag pa ng nagrereklamo na kontratista.

Nang tawagan ko si Singson sa kanyang tanggapan upang alamin ang estado ng inilapit kong kaso sa kanya, natapos na raw ang imbestigasyon nila at napatunayang walang ginawang paglabag si Tamayo, ayon kay Singson.

Naku, Sec. Singson, kung mangmang ka sa Procurement Act, narito ang sinasabi ng Article 8, Section 29: “The BAC shall publicly open all bids at the time and date, and place specified in the bidding documents.”

Susmio, Sec. Singson?! Natutulog ka ba habang nag-iimbestiga o hindi ka marunong mag-imbestiga?

Pinayagan ni Tamayo umano na buksan ang mga bidding document ilang oras bago ang actual bidding time!!!

E, kung si Tamayo lang ang iyong pinakinggan, tiyak na itatanggi nito ang paratang dahil hindi mo naman pinatawag ang nag-aakusa sa kanya.

Nagdesisyon ka, Sec. batay lang sa sabi-sabi ni Tamayo, ang resulta abswelto ito sa kaso.

‘Yan ang tinatawag na “moro-moro investigation o pakitang-tao lang, Sec. Singson.

Alam mo rin ba Singson na maraming milagro ang nangyayari riyan sa DPWH Region 12 sa ilalim ni Dir. Tamayo?

Hindi tuloy nakapagtataka na patuloy ang katiwalian at korapsyon sa DPWH kahit na sa ilalim na ng inyong pamumuno. Ang problema kasi, Ginoong Singson, ay nagbubulag-bulagan kayo sa mga reklamo.

Sayang ka Sec. Singson!

Kung sabagay, tila ‘yan naman ang mandato sa inyo na mga miyembro ng gabinete ni PNoy, ang magpapetiks at magkunwari na nagtatrabaho pero ang totoo’y mga inutil at mga batugan din naman.

MGA BUWISEEEEET!

***
Kung nais ninyong iparating ang inyong mga opinyon, reaksyon, suhestiyon, o komento…maari ninyo itong ipadala sa etulfo2011@yahoo.com. Maari din kayong sumadya sa aming tanggapan sa Unit 2N, Quedsa Plaza Building, Quezon Ave., cor. EDSA, Quezon City mula Lunes – Biyernes, 8:00 to 3:00 p.m. DEADSHOT/ERWIN TULFO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>