Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAUNLAD NA ANG CALOOCAN!

$
0
0

ANG Caloocan ay bahagi ng Kamaynilaan na naging mabagal ang pag-unlad, kumpara sa karatig nitong mga lungsod sa Metro Manila.

Sa ilang dekadang lumipas, naging matamlay ang estado ng buhay at negosyo, kaya marahil hindi umangat ang lungsod.

Dahil sa mala-pagong nitong usad tungo sa progreso, nabansagan noon ang Caloocan na ‘The Sleeping City in the Metropolis.’

Pero ang bansag na iyan ay unti-unti nang nabubura mula nang magwagi at maupong alkalde si Oca Malapitan sa lungsod.

Dahil sa maayos at makataong pamamahala ng Malapitan administration ay dumagsa ang negosyo sa lungsod.

Dahil lumago ang ekonomiya, maraming serbisyo ang naibibigay ng liderato ni Mayor Oca sa mga mamamayan ng lungsod.

At dahil dumami ang negosyo, tumaas ang collection ng buwis kaya nagkaroon ng ‘infrastracture boom’ sa siyudad na ito.

Maraming imprastraktura ang naipatayo ni Mayor Oca – at kapansin-pansin dito ang ipinatayong mga eskuwelahan sa 1st at 2nd district.

Matagal na pinangarap ng mga mahihirap na magulang na magkaroon ng libreng tuition sa kolehiyo na tinupad ng Oca administration.

Ang pagpapatayo kasi ng dalawang gusali ng University of Caloocan City (UCC) ay naging prayoridad ng magaling na alkalde.

Libre ang matrikula para sa mga taga-Caloocan na magkokolehiyo sa dalawang sangay ng UCC sa una at pangalawang distrito ng lungsod.

Sa matagal na panahon, ngayon lang nangyari ang pangarap ng mga Caloocanians na pagkakaroon ng dalawang unibersidad nalibre pa ang tuition.

Matagal ding pinangarap ng mga taga-Caloocan ang pagkakaroon ng mga sports center na tinupad ng administrasyon ni Mayor Oca.

Umikot ka sa lungsod at mapapansin mo rin ang magaganda, malilinis at maaayos na mga kalsada, barangay halls at health centers.

Ang pinapangarap din na bago at state of the art na Caloocan City Hall ay ginagawa na at makikita ito sa 8th Ave., Caloocan.

Kulang ang ating espasyo sa dami ng naging accomplishment ni Mayor Oca Malapitan mula noong umupo ito noong 2013.

Bumibilis ang pag-angat at pag-unlad ng Caloocan dahil sa magaling na pamamahala ni Mayor Malapitan.

Kaya kay Malapitan, walang dudang panalo ang Caloocan! CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>