Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SERBISYO NG INTERNET SA PINAS MAY PAG-ASANG MAAYOS

$
0
0

POSIBLE nga bang maayos pa o mapabilis pa ang serbisyo ng Internet sa ating bansa o mananatili na lang na ganito kabulok gayong may paraan pa naman palang magagawa ang pamahalaan.

At dahil dito ay naisipan ni dating Congressman Rolex Suplico, na magsampa ng reklamo sa tanggapan ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa Wi-Tribe Telecoms, Inc. (WTTI), High Frequency Telecommunication, Inc. (HFTI) at New Century Telecoms, Inc. (NCTI).

Sinasabing ang tatlong Telcos na nabanggit ay binigyan ng NTC ng Provisional Authority at Frequency Assignments ngunit sinayang lang ng mga ito ang 700 Megahertz na naka-assign sa kanila dahil hindi ito napakikinabangan ng mahabang panahon.

Ayon nga kay Suplico, ang mga bagay na ito ay paglabag sa mga kondisyong nakapaloob sa ibinigay na prangkisa ng NTC sa tatlong telcos.

May katwiran nga naman itong si Ex-Congressman Suplico na ireklamo sa NTC ang Wi-Tribe, HFTI at NCTI dahil nga sa kapalpakan ng mga ito na matugunan ang mga kondisyon sa taglay nilang prangkisa.

Paliwanag pa ni Suplico, First Nominee ng Abyan Ilonggo partylist, ang 700 megahertz frequency assignments na hindi naman ginagamit ng mga naturang telcos ay siyang in-demand na frequency para sa 4G at Long Term Evolution (LTE) deployment sa buong mundo kung saan mas mabilis ang koneksyon ng internet.

Sabagay, kung magagamit lang sana ang naturang Frequency ay mas epektibo ito dahil, ayon kay Suplico, tumatagos sa mga gusali at mas malawak ang coverage nito bukod pa sa mababawasan sana ang pagpapatayo ng mga tower o cell site.

Kung maikakalat daw ang 700 MGHZ sa lahat ng telcos sa bansa ay siguradong gaganda ang internet at on line service sa bansa o hindi na magkakaroon ng mabagal na paggamit ng internet sa Pilipinas.

Binigyan-linaw ni Suplico na noon hanggang ngayon ay advocacy na ng kanilang grupo na igiit sa pamahalaan na mabigyan ng mahusay na internet service ang bansa.

Sinasabi ring sa kasalukuyan, ang bansang Thailand at Pilipinas lang ang hindi gumagamit ng 700 mhgz frequency sa buong mundo. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>