Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANG GALIT NG URBAN POOR SA PANGARAP VILLAGE

$
0
0

TINAWANAN lamang ng Maralitang Tagalungsod ng Kalookan (MaTaKa) ang mga pekeng survey na ipinakakalat ng kampo ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan na tiniyak na magwawagi nang landslide si Liberal Party (LP) presidential bet Manuel “Mar” Roxas sa Caloocan City.

Ayon kay MaTaKa chairman Elmer Cruz, posibleng pumang-apat lamang si Roxas sa lungsod dahil tiyak na sa 1st place si independent candidate Sen. Grace Poe, pangalawa si PDP-Laban Rodrigo Duterte at pangatlo ang trinaydor ni Malapitan na si UNA presidentiable Jejomar Binay.

“Kahit araw-araw magpalabas ng press release si Mayor Oca na nangunguna siya sa survey, walang maniniwala sa kanya dahil batid ng mga botante na nambobola na lang siya,” giit ni Cruz.

“Hindi na nga siya makapag-house-to-house kasi malubha na ang problema niya sa kalusugan.

“Sayang ang boto ng mga tao sa kanya kasi may grabe na siyang sakit.”

Nabatid na ginagastusan ni Cong. Edgar Erice at ng kapartner niya sa mining operations sa Agusan del Sur na si Erick Gutierrez ang kandidatura ni Malapitan para magwagi sa lungsod si Roxas.

Ngunit sanay sa pagtatraydor, may ulat na may nakipag-usap na sa grupong STORM para ipanalong bise presidente sa Caloocan si Sen. Bongbong Marcos kapalit ni Leni Robredo dahil dati siyang Kabataang Barangay Federation President ng lungsod noong rehimeng Marcos.

“Sa mga pagpatay lamang sa barangay officials, iligal na demolisyon at marami pang krimen sa Pangarap Village sa Caloocan ay mahihirapan nang manalo si Roxas,” giit ni Cruz.

Nangako rin ang MaTaKa at iba pang progresibong grupo sa Caloocan lalo sa Bagong Silang areas na matitikman nina Malapitan ang pinakamalupit na pagkatalo sa halalang ito, kasama si Roxas upang ipakita ang pagtutol sa pagmamalupit nila sa maralitang tagalungsod lalo na sa may 40,000 residente ng Pangarap Village. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>