INAMIN mismo kamakailan ni Leni Robredo na bumagsak siya sa bar exam (pambansang pagsusulit upang maging ganap na abogado) noong 1992.
Ang sabi ni Leni sa mga estudyante sa isang kolehiyo sa Quezon City: “Nag-aral kasi ako para maging abogado kasabay ng pag-aalaga ko sa mga bulilit ko, eh.”
Ang kanyang tinutukoy ni Leni ay ang anak nila ni Jessie na sina Aika, Tricia at Jillian na noong 1992 ay maliliit pa.
Pati ang patay niyang asawa ay idinamay upang maisalba lamang ang nabunyag na katotohang pinakatago-tago niya.
“Biro n’yo, nanay na ‘ko, teacher din, tapos, inaasikaso ko pa si Jessie na mayor noon sa Naga City. Kainis!” tugon ni Leni Robredo.
Ito ang kanyang ‘inspiratonal talks’ sa mga magsisipagtapos nang mag-aaral sa kolehiyo sa Quezon City. Wala namang masama sa kanyang pag-amin.
Ang hindi maganda rito ay lumilitaw na sinisisi niya ang pag-aasikaso niya sa kanyang pamilya kaya siya bumagsak sa bar exam.
Bakit ko idiniriin ang puntong ito? Ito’y dahil nabunyag ang nakatagong baluktot at hindi magandang katangian ni Leni Robredo.
Si Leni ay mukhang may katangiang ibato ang sisi sa ibang tao, kabilang ang kanyang patay na asawa at mga anak, maidiin lamang sa publiko na wala siyang kasalanan o nagawang mali sa isang kapalpakan sa buhay.
Paano na ang mangyayari kung manalong Bise Presidente si Leni? Paano kung may kapalpakan sa kanyang mga desisyon at gawa?
Ang sisihin ba niya ay ang kanyang chief-of-staff, mga emplyeyado, mga anak, o maging ang taumbayan na hinihimok niyang iluklok siya bilang Bise-Presidente?
May kilala akong lider na ubod nang sama dahil matatapos na ang kanyang termino ay si Gloria Macapagal-Arroyo pa rin ang sinisisi sa mga pagkakamali.
BOKYA SI ECHIVERRI SA MGA TSINOY
Walang nakuhang pera si Rep. Enrico “Recom” Echiverri mula sa groupo ng mga negosyanteng Tsinoy sa Lungsod ng Caloocan.
Ganito ang nagyari: Ang mga negosyanteng Tsinoy sa Lungsod ng Caloocan ay nagboluntaryong magbibigay ng P20-milyon pandagdag sa campaign funds ni Echiverri na tumatakbong alkalde laban kay Mayor Oscar “Oca” Malapitan.
Tinanggihan ng kampo ni Recom ang P20-milyon. Humirit ito ng P100-milyon. Ang ginawa ng mga Tsinoy ay nagpasarbey kung saan nalaman nilang bagsak na bagsak ang iskor ni Echiverri.
Ang desisyon ngayon ng mga Tsinoy ay huwag nang suportahan si Echiverri. Kaya, ibinasura na si Echiverri, wala pa itong nakuha kahit mantsadong singko.
Ay bobo ang kampo ni Echiverri! Tawa nang tawa naman ang kampo ni Mayor Malapitan—sabay sigaw na panalo na!!!
XXX
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271, o mag-email sa: sulongbade@yahoo.com, o bisita hin ang: NSBADILLA.BLOGSPOT.COM BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA