Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAY KATWIRAN SI RD PAGDILAO

$
0
0

SA Philippine National Police (PNP), maraming opisyal at miyembro ang nasisibak sa pwesto dahil na rin sa mga info text na ipinadadala ng kung sino-sino. Sasakyan pa ito ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan na kumukumpirma ng mga ipinadalang text nang walang isinasagawang imbestigasyon.

Biktima nito ang isang station commander ng Manila Police District (MPD) na ginagawa ang kanyang trabaho pero madalas binabato ng intirga dahil marami ang opisyal na naiinggit at maraming pulis na protektor ng mga iligal ang nasasagasaan.

Maraming info text ang naipadala sa PNP kaugnay sa umano’y kabiguan ng station commander na masugpo ang droga at sugal sa kanyang nasasakupan. Mabilis nag-react ang Camp Crame at ipinasisibak na kaagad kay National Capital Region Police Office chief Dir. Joel Pagdilao ang station commander.

Mabuti na lang, marunong mag-isip si Gen. Pagdilao at kaagad nag-utos ng imbestigasyon laban sa station commander at mabatid kung talagang naging pabaya ito sa kanyang trabaho.

Subalit sa imbestigasyon, nakita at nasuri na kapwa pulis ang nagsusumbong sa Camp Crame at nagpapadala ng info text sapagkat nasagasaan ang mga iligal na kanyang binibigyan-proteksyon.

Ang pulis na nagpapadala ng text sa 2920 ay siyang tumatanggap ng lingguhang parating mula sa mga sugalan at tulak ng droga, base sa imbestigasyon.

Nagalit ito sa station commander sapagkat sunod-sunod na raid at paghuli sa mga sugalan at drug haven base sa utos ng opisyal. Namamatay ang negosyo niya kaya nais niyang makabawi sa commander.

Katwiran naman ni Gen. Pagdilao kung bakit niya pinaimbestigahan ay dahil sa “walang matitirang opisyal sa mga istasyon at presinto kapag pinakinggan at hindi pinag-aralan ang mga sumbong.”

Aba’y may katwiran naman si Pagdilao. Hindi basta dapat makinig sa sumbong lalo’t walang matibay na ebidensiya.

Lalong hindi dapat makinig sa sulsol ng kung sino-sino na apektado ng iligal na kalakaran. Saludo ang PAKUROT kay Gen. Pagdilao sa pagiging patas at makatao nito. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>