HINDI naman nakapagtataka kung sisihin ng tao ang gobyerno sa problema na araw-araw na kinakaharap ng mamamayan, lalo na sa kalsada.
Trabaho kasi naming empleyado ng pamahalaan na ihatid ang maayos na serbisyo sa ating mga kababayan.
Hindi rin unusual na pagbintangan ang mga empleyado ng pamahalaan na walang ginagawa.
Pero hindi naman po totoo na walang ginagawa ang mga lingkod-bayan. Minsan nga po mas marami pa kaming oras na ginugugol sa opisina kaysa sa bahay kasi problema nga ng buong Pilipinas ang aming inaasikaso.
Kaya minsan ay gumagawa talaga kami ng daan at humahanap ng paraan para kahit papaano ay makapagpaliwanag ng aming panig bilang mga public servant.
Sa isyu po ng UBER, naiulat na namin na mahigit 5000 aplikante para makapasok sa Uber System ang hindi na-approve ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board dahil sa kabiguan ng mga aplikante na mag-submit ng required formal offer of evidence. Ang kabuuang bilang ng aplikante para sa UBER ay 11,727 as of April 2016.
Nabigyan naman ng sapat na panahon ang mga applicant para makumpleto ang mga kailangang dokumento at hindi kami nagkulang ng pagpapaalala sa deadline ng submission ng requirements pero halos kalahati nga ang hindi nakapagbigay ng tamang mga dokumento.
Kaya nabigyan na ng Order of Dismissal ang may 5,048 na applications. Dismissed na ang applications nila. Sabi ng representative ng UBER, aalisin nila sa sistema ng serbisyo nila ang mga applicants na na-dismiss dahil hindi na papayagan ang mga ito na bumyahe bilang UBER unit.
Sinisisi kami ng ilan at inaakusahan pa na hindi raw inaayos ang pag-handle ng UBER system pero ang dismissal ng mahigit 5,000 applicants ay patunay na seryoso ang LTFRB na ipatupad nang tama at maayos ang batas na patas ang aming pagtingin at gagawin namin ang lahat para maiayos ang taxi system sa bansa.
***
Mag-email ng reaksyon sa ariel.inton@gmail.com o kaya’y mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/LTFRB COMM. ARIEL ENRILE-INTON