Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TAO SA RALLY NI DUTERTE MAS MARAMI KAYSA KAY PNOY

$
0
0

HINDI mapapasubalian na mas mabango sa tao itong si PDP-Laban Presidential bet Digong Duterte kay PNoy lalo na kung ikukumpara ang dami ng taong pumupunta sa mga political rally noon at ngayon.

Sa panahon ni Pnoy noong 2010 election, hindi ganyan karami ang tao sa mga rally ng anak ni Tita Cory pero ngayong kampanya ni Duterte ay sangkatutak ang dumadagsang mamamayan, na halatang uhaw na uhaw sa tunay na pagbabago sa ating bayan.

Kitang-kita rin sa mga rally ni Digong na walang color coding ng damit hindi kagaya noong kampanya ni PNoy na puro naka dilaw dahil mayroon silang pinamimigay na T-shirts at ballers.

Sa rally ni Duterte, tao ang nagkakagulo na hindi hakot ng mga politiko pero noong panahon ni PNoy ay mga trapo ang mga may dala ng tao dahil ito ‘yung mga politikong nabibiyayaan ni Cory Aquino.

Malaki ang pagkakaiba nina PNoy at Digong dahil ang anak ni Cory ay naging Pangulo dahil sa simpatiya at popularidad ng kanyang mga magulang na sina Cory at Ninoy habang si Duterte ay magiging Pangulo dahil sa ganda ng kanyang ginawa at ginagawa pa sa Lungsod ng Dabao.

Hindi rin maitatangging may perang panggastos noon si PNoy sa kanyang kampanya dahil nga lahat ng malalaking negosyante ay tumaya rito habang si Duterte ay ayaw tumanggap ng pera o tulong buhat sa mga negosyante dahil ayaw niyang magkaroon ng utang na loob kaninoman.

Ilan sa mga tumulong noon kay PNoy ay ang pamilya nina Danding Cojuangco, Lopez, Ayala, Tonyboy Cojuangco at Zobel at iba pang bigtime businessmen katulad ni Acuzar, may-ari ng malalaking condo sa Metro Manila.

Kaya kung nanalo noon si PNoy ay mas tiyak ang panalo ni Digong dahil malinaw sa lahat ng survey at pagtitipon ng alkalde, na magiging Pangulo, na mahal siya ng tao at iyan ang wala kay PNoy noon dahil tiningnan at binoto ang anak ni Cory dahil sa simpatiya lang sa kanyang mga magulang. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES