DARATING next week sa Pilipinas si Sultan Bolkiah ng Brunei sa imbitasyon ni President Noy.
Ang economic ties with the Philippines ang pangunahing pag-uusapan pero malamang na mapag-usapan na rin ang Sabah issue lalo na’t lumusob na naman daw uli roon ang mga bataan ni Sultan Kiram ng Sulu.
Subalit mapag-usapan man ang Sabah na dating pag-aari ng Brunei ay wala rin itong kahihinatnan.
Ang Brunei ay dating protectorate ng British empire. Kung hindi binigyan ng Britain ng kalayaan ang Brunei ay walang Sultan Bolkiah na ngayon ay isa sa mga pinakamayamang tao sa buong mundo.
Ang Sabah ay dating pag-aari ng Brunei ngunit iniregalo ng angkan ni Bolkiah ang lupang ito kay Sultan Kiram bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang tagumpay na mabawi para kay Bolkiah I ang lupang ito.
Pero dahil nga ang Brunei ay naging teritoryo ng Britain, naging teritoryo na rin nito ang Sabah.
Binigyan ng Britain ng independence ang Brunei, pero binigyan din ng Britain ng independence ang Malaya at tinawag itong Malaysian Federation at isinama pa ang Sabah.
Nguni’t kanino ba talaga ang Sabah? Ang sabi ng Brunei, sila ang may-ari ng Sabah noong unang panahon. Ang Brunei rin ang may-ari ng Sulu at ang buong Pilipinas bago dumating ang mga Kastila.
Ang Maynila rin daw ay pag-aari ng Brunei noong mga panahong iyon pero nasakop din ng mga Kastila.
Magulo talaga ang history ng mundo. Ang sabi ng China, kami ang original na may-ari ng Brunei. Sa katunayan, ang Brunei noon ay nagbabayad ng buwis sa China, kuno.
Sa katunayan, sabi uli ng China, lahat ng bansang nakapaligid sa China Sea ay pag-aari ng China.
Eh sino naman kaya ang original na may-ari ng China? Hula ko lang ito, pero ang original na may-ari ng China ay si Cain na anak ni Eba at Adan.