Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAKIT WALANG TALO SI MAYOR REX?

$
0
0

ILANG linggo na lang at magaganap na ang halalan kaya lubhang abala na sa kampanya ang mga kandidato na tumatakbo sa iba’t ibang posisyon para suyuin at hingin ang suporta ng mga botante.

Sa mga panahong ito rin nahahati sa dalawa ang nararamdaman ng mga kandidato lalo’t higit ang re-electionists sa mga lokal na posisyon tulad ng mayor, gobernador at kongresman.

Iyong isang grupo sa kanila ay kinakabahan sapagkat alam nilang puro kapalpakan at pangungurakot ang ginawa nila habang nakaupo sa puwesto. At iyong isang grupo naman ay kumpiyansa na muling maihahalal dahil alam nilang nagampanan nila nang maayos ang kanilang trabaho at tungkuling iniatang sa kanila.

At sa pangalawang grupong ito ng mga tapat at mahuhusay na public servant nabibilang si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian kaya naman walang duda na muli siyang ihahalal sa puwesto ng mga tao sa kanilang lungsod.

Sa unang termino kasi ni Mayor Rex ay ipinakita niya sa mga mamamayan ng lungsod na hindi sila nagkamali ng paghahalal sa kanya sa pamamagitan ng mabuting pamamahala na hinaluan niya ng konsepto ng makabagong mga ideya.

Kaya naman sa loob lang ng maiksing panahon ay naging agresibo siya sa paglalatag ng mga programang nakadisenyo para sa kabutihan ng mga mamamayan.

Pinadali niya ang proseso ng mga transaksyon sa Valenzuela City Hall sa pamamagitan ng paggamit ng bagong teknolohiya sa kanyang programang 3S+Platform.

Dahil dito, naging simple at mabilis ang mga transaksyon dahil sa “automated building and construction permit application system” at nabawasan hindi lang ang mga oras ng transaksyon kundi pati ang tukso na maaaring magresullta sa mga iligal na gawain tulad ng korapsyon.

Lahat din ng aspeto ng batayang serbisyo tulad ng libre pero mataas na kalidad ng edukasyon, pabahay, trabaho, pagpapagamot at marami pang iba ay maayos ding naipatutupad at nagagawa ni Mayor Rex.

Kaya naman hindi kataka–taka ang lumabas na resulta ng isang survey kamakailan na mahigit 80% ng mga botante sa lungsod ang nagsabi na muli nilang ihahalal sa puwesto si Mayor Rex habang 12.7% lang ang boboto sa katunggali niyang si 2nd District Rep. Magtanggol “Magi” Gunigundo I.

Hindi naman nakapagtataka ito dahil tulad ng nabanggit ko na, kabilang si Mayor Rex sa hanay ng mga public servant na ginagawa ng tapat at mahusay ang kanyang trabaho.

Kaya sorry na lang kay “Magi” dahil magiging guni-guni na lang niya ang pangarap niyang maging mayor ng Valenzuela City. OPEN LINE/BOBBY RICOHERMOSO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>