Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DEBATE NG MGA BISE-PRESIDENTE, BOW!

$
0
0

NAKATUTUWA ang mga supporter ng mga nagsidebate na mga tumatakbo sa pagka-bise-presidente ng bansa. Mas maingay sila kaysa sa nagdaan na dalawang presidential debate at hindi pa natatapos ang debate, aba, kanya-kanya ng post sa social media na nanguna raw sa instant survey ang manok nila? Pulitika nga naman.

Ganyan talaga ang pulitika sa bansa natin – na – dapat nang alisin at baguhin. Kumbaga, ginagawa nilang gago na parang hindi nakaiintindi ang mga nakinig at nanood sa radyo at telebisyon!

Isama pa ang mga organisasyon na aakalain mong pantay at malayang grupo ng media practitioners ‘yun pala ay may pinapanigan dahil sila ay nababayaran. Mabilis pa sila sa jetfighters kung magpost na ang kanilang manok ang nanguna sa debate.

Katulad sa survey firms na SWS at Pulse Asia, walang pinag-iba ang mga organisasyong ito sa pagkokondisyon ng isip ng mga tao, partikular ang mga botante. Sila pa man din ay astang matatapang at malaya sa paglalatag ng mga usaping bayan. Pfffttttt.

Sa nasabing vice-presidential debate ay dalawa, tatlo sa kanila ang pumukol ng todo sa isang kalaban nila sa usapin ng korapsyon. Itinuro nila ang iisang kalaban na sangkot daw sa mga maanomalyang transakyon ni Pork Barrel Queen Janet Lim-Napoles?

Kung mababato ko lang ang tatlong VP aspirants, kamatis na bulok ang gagamitin ko sa kanila. Aba kung makapagbintang akala mo singlinis sila ng labada na ginamitan ng TIDE Ultra ni Bossing Vic Sotto, eh.

‘Yung isa para makakuha ng malaking halaga ng dibidendo sa senado, mag-iingay na talo pa ang putak ng manok na bagong nangitlog. Sa tala ng finance section ng senado, isa siya sa mapapalad na nakakapagbulsa ng pinakamataas na pondo. Aawayin lang ang lider na may banta, pera na.

‘Yung isa naman ay nag-aanyong matalino at mahusay. Lamang, bistado na siya na sa likod ng Palasyo ng Malacañan dumaraan para kubrahin ang “ekstrang kita” sa pagdedepensa sa rehimeng Aquino. Nangarap pa nga siya na mamuno ng Department of Foreign Affairs at palihim na umakto bilang sugo ng estado.

‘Yung isa, halos hindi maintindihan ng taumbayan kung magsalita. Talo ang rapido ng machine gun sa bilis. Sabi nga ng kanyang kaprobinsiya, masyado na siyang sikat at napakahaba na rin bale sa pulitika pero ang mismong lalawigan o maski bayan niya ay hindi nakatikim ng ginhawa mula sa malaking pondo niya.

Ang tatlong VP debaters ay sangkot sa malalaking hiwa ng PDAF, DAP, PRESIDENTIAL FUND at presidential payola noong sipain nila sa puwesto si Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa kasong impeachment. BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>